Chapter 6-Sana

20 0 0
                                    

Prince.

Kung ako ay tatanungin ay si Erica lang ang pinaghihinalaan ko. Imposibleng si Athena dahil mabait yan. Never nagalit sa isang tao yan.

Naalala ko kasi yung dati. Yung 2nd year pa kami.

FLASHBACK

Nandito kami ngayon sa tambayan namin. Medyo madilim pero may ilaw parin kami.

Nagulat ako ng biglang pumasok si Erica na may kasamang kawawang babae. Madumi na ito at puro sugat.

"Erica ano yan?" -Lyka.

"Damn bitch. Ang landi kasi sa campus eh." galit na sabi niya.

"Tss. Pakawalan mo na yan. Kawawa naman siya!" sigaw sakaniya ni Lyka.

"At bakit?! Ayaw mo bang ilabas any baho mo ng isang Lyka Fajardo? HAHAHA oh come on Lyka!" sabi niya at tumawa pa.

"Anong balak mo jan?" -Aizhel.

"Kill 'em."

"Papatayin mo?" -Zion.

"Yes." sabi niya na ikagulat namin.

Damn? Ganon ba siya kagalit dun sa babae na yan? Bakit niya kailangan patayin?

"Teka? Papatayi---

Di na naituloy ni Lance ang sasabihin niya ng saksakin niya sa puso yung babae. Lahat kami ay napatayo sa gulat.

Halatadong may takot sa mga mata namin.

At nagulat din ako ng saksakin din ito nila Janice at Jessy. At halata sa kanila ang tuwa. Nag enjoy pa?

No. Pano nagawa nila Erica, Jessy at Janice na pumatay? Pano nakakaya ng konsensiya nila? Wala ba silang awa?

"Wow guys. Bat ba napakainosente niyo. Lahat kayo nagugulat? Bakit? Diba lahat naman kayo pumapatay?!" sigaw niya samin.

Hindi ko alam kung sino tong nasaharapan namin. Si Erica ba talaga to? Bakit ganito ang dating niya? Para siyang walang puso!

"Erica pano mo nagawa yan?" -Jason.

"Tss. Manahimik na nga kayo." sabi niya at hinila yung bangkay ng babae at itinapon sa may bangin.

Mali. Mali.

Hindi pa siya natapos at nagdala pa siya ng mga babae. Lahat yun ay pinatay niya. Marami.

Mabait si Erica. Masayahin at matalino. Pero pag nakilala mo na siya makikita mo ang ugali niyang demonyo.

END OF FLASHBACK

Aizhel.

"Guys? Naalala niyo pa ba yung bonding natin nung 3rd year?" naiiyak na sabi ni Liza. "Ang saya natin nun diba? Kompleto tayo. Walang gulo. Nag swimming tayo. Nag gala kung saan saan. Ang saya. Pumunta din tayo ng enchanted kingdom tas sumakay tayo sa ibat ibang rides. Ang saya."

"Kung pwede lang ibalik." -Lance.

"Basta guys? Walang iwanan ah? Kahit mag kamatayan tayo walang susuko. Kahit na w-wala ng matira satin" Umiiyak na sabi ni Sofia.

"GROUP HUG!!" -sabi ng mga boys at nagyakapan kaming lahat.

Naiiyak ako. Sana di nalang sila namatay. Sana buo nalang ulit kami.

"Sana kung sino man yung pumapatay satin. Guys itigil niyo na. Gusto ko pa mabuhay." umiiyak na sabi ni Aubrey.

Sana wala ng sumunod. Sana umamin na siya. Sana maisip niya na may pinagsamahan kaming lahat. Sana.

Athena.

Bakit ba kasi ako yung sinisisi nila? Bakit?! Eh si Sofia kaya yung pumapatay!

Yah siya! Nanaginip ako! At totoo ngang namatay si Lyka at pinatay siya ni Sofia.

Bakit ba laging kami ni Erica? Kung sino man ang dapat sisihin. Si Sofia yun!

Jason.

Kung ako ay tatanungin. Wala akong sinisisi sa mga kaibigan ko. May tiwala ako sa kanilang lahat.

Alam kong hindi nila kayang pumatay ng isang kaibigan 5 years na kaming mag kakaibigan.

At alam kong mga dayuhan lang ang pwedeng makakaya nun.

Hindi magagawa ni Sofia ni Erica at lalong lalo na si Athena.

Pero bakit sila pumapatay? May kasalanan ba kami sakanila? Nabulabog ba kami? Nasaktan ba namin sila?

Wala. Wala kaming makuhang sagot.

Alam kong sinisisi nila si Erica. Dahil siya ang nag yaya rito. Pero kahit nakapatay na yan si Erica. Alam kong hindi niya magagawa na patayin sila Lyka, Alexa, Janice at Jessy. Yun nga ang pinakaclose niya sa mga babae.

Si Sofia naman. Parang hindi rin naman. Malinis na tao si Sofia. Imposibleng maging kriminal yan.

At lalo na si Athena. Mabait na tao yan. Hindi nga siya nakikipag away saming mga kaibigan niya eh. Sa mga iba oo. Pero samin? Never. Tahimik nga lang yan eh.

Kaya imposible lahat ng iniisip nila. St malay mo? Trip lang kami nila Lyka? Nag papatay patayan sila? Pero imposible rin.

May tiwala ako sakanilang lahat. At naniniwala akong wala samin ang killer.

Pero yung sulat. Sabi niya ay isa siya samin. Kung sino man siguro yun? Ay baka wala talaga siyang puso.

Ang hiram mangduda. Dahil nga lahat kami walang proweba. Pero hindi na namin kailangan ng proweba. Dahil kami na mismo nakakahalata o nakakakita.

May mga isip kami na pwedeng gamitin. Kaya nga yung mga pulis. Nagiisip muna yan bago makakuha ng proweba at mahuli ang killer.

Kaya ikaw mismo ang makakaisip kung sino satingin mo ang killer. Tinignan ko ang mga kaibigan ko. Nagkwekwentuhan sila tungkol sa mga dati naming ginagawa. Pinapaalala nila lahat para kung isa man samin ang killer makunsensya siya.

Sana naman ay wala ng sumunod pa samin. Kahit ako, natatakot na din ako na baka bukas o sa isang araw. Ako na ang patay.

Kaya lahat kami ay doble ingat. Yung iba nga ayaw na nilang matulog sa gabi para lang magbantay.

Wag kang tatanga tanga kung ayaw mong mapatay ka.

Yung tungkol sa laro namin. Bukas pag may namatay pa ay itutuloy nanamin. Pero kapag wala sa isang araw ay itutuloy nanamin para makaligtas at makatakas na rin kami.

Malayo pa bago kami makaalis. Tatlong araw palang kami ngayon dito. Dalawang linggo ang usapan naming babalik ang sundo namin.

Ang kaso? May mauuwi pa ba ang sundo namin? Makakauwi pa ba kami?

Pano na lang ang iisipin ng mga magulang ng namatay at ang mga magulang namin? Na kami ang pumatay? Pano nalang ang mga pag aaral namin?

Ako? Wala sa isip ko ang mamatay. Pero unti unti ko nang nararamdaman si kamatayan. Alam kong nandito rin siya.

Pero sana. Sana wala ng sumunod pa. Kasi kapag may sumunod pa mapipilitan kaming makapatay ng kaibigan naming KILLER.

__________

A/N: Bitin? Sorry tinamad eh. Medyo matatagalan mag update. Pero kakayanin naman. Enjoy reading. *kiss*hugs*

VOTE&COMMENT.

Hide and Seek Where stories live. Discover now