Chapter 20-Samantha?

16 0 0
                                    

Zion.

Nang bumukas ang ilaw ay agad akong nagulat. Tangina! Nasa kwarto nanaman ulit kami!

Ngunit sila Prince, Joshua at Aubrey lang ang kasama ko. Nakita ko din si Kyle. May tama siya ng baril. Siya yung binaril ng tatlong beses.

Si Aizhel? Si Liza?! Asan sila?!

Kinabahan ako bigla. Pano kung?

No. Hindi. Makakaalis kami dito.

Biglang pumasok yung killer kaya napatingin kami sakaniya.

"TANGINA MO! ASAN SI AIZHEL?! ANONG GINAWA MO SAKANIYA?!" sigaw ko sakaniya.

"Sige, papupuntahin ko siya dito. Antayin mo." sabi niya at lumabas.

"Pre, wala ka bang cellphone?" tanong ko kay Prince.

"Eto oh." bigay ni Aubrey..

Tatawagan ko na sana si Aizhel ng biglang nag ring yung phone. Nagtaka ako, bakit tumatawag si Samantha?

Aizhel.

Ringgg. Ringgg. Ringgg.

Patuloy parin ang pag tunog ng cellphone ko. Hindi parin siya tumitigil. Kaya sinagot ko nalamang ito.

"Hello."
try
Agad ko muling nalaglag ang cellphone ko. Buhay pa si Samantha?!

"Aizhel, don't be scared. Miss me?"

Tumulo ang luha ko. Hindi! Panaginip lang to!

"HINDI TO TOTOO! PATAY KANA!" sigaw ko.

"Haha. Mahal mo ba si Zion at Aubrey? Kung mahal mo sila, kailangan mong pumunta sa kwarto niyo sa 3rd floor. Kung hindi, mamamatay sila."

'mamamatay sila'

'mamamatay sila'

'mamamatay sila'

Natigil ako sa pagiyak. Oo nga pala. Sila Zion.

Agad akong tumakbo papuntang taas. Kasabay ng pag takbo ko ang pag bagsak ng luha ko.

Hanggang sa nakarinig ako ng putok ng baril sa taas. Kaya mas nag madali ako.

Pag akyat ko sa taas nagulat ako sa nakita ko.

"NO!!!!!!!!"

Aubrey.

"Wag kayong mag alala. Darating na ang hinahanap niyo." sabi samin nung killer.

"WAG NIYONG GAGALAWIN SI AIZHEL! AKO NALANG ANG PATAYIN NIYO! TANGINA MO AKO NALANG!!!" sigaw ko.

Nagulat ako ng barilin niya ako sa dibdib.

Tumulo ang luha ko. Napatingin ako kay Prince. Nakayuko lang siya na umiiyak.

Biglang bumukas ang pintuan.

"NO!!!!!!!!"

"Aizhel, tulungan mo ko."

Hide and Seek Where stories live. Discover now