Chapter 15-Memorized

18 0 0
                                    

Carl.

Nang lumabas si Aizhel ay lahat kami ay napatigil sa pagkain. Lahat kami ay nakayuko.

Walang may balak mag salita.

Bumalik sakin lahat ng nangyari noon. Sana ay hindi niya maalala. Natatakot kami.

"Pano kapag naalala niya na lahat?" mahinang sabi ni Erica.

"Okay na yun. Karapatan niyang malaman yun." sabi naman ni Prince.

"NO! HINDI NIYA PWEDENG MALAMAN! ANO NALANG ANG SASABIHIN NIYA SATIN? AT SA SARILI NIYA?!" sigaw ni Jason.

"Guys, wag naman kayong mag sigawan. Pag usapan nating lahat ito." mahinang sabi ni Athena.

"Nanaginip siya. Binanggit niya yung pangalan nila Samantha at Jake." -Zion.

"Unti unti niya ng naaalala." -Liza.

Kahit ako. Ayokong maalala niya. Kasi alam kong masasaktan lang siya.

"Wait, hahanapin ko lang si Aizhel." sabi ni Zion at lumabas.

"Samantha. Huhuhu." umiiyak na sabi ni Athena.

Naaalala ko nanaman lahat. Akala ko ay tuluyan ng mawawala ang mga nangyari noon.

"GUYS TULONG NALUNOD SI AIZHEL!" sigaw ni Zion.

Napatayo ako. Shit!

Aizhel.

"Ingat ka dun, Jake."

"Oo bro. Kayo din ah?"

"I treat you like a brother. Thank you for all Jake. Take care of your self. We gonna miss you. I love you."

"Sige na guys. Alis na ko. Mamimiss ko kayong lahat. Hanggang sa pag balik ko!"

"G-Guys?" 

"Sumabog daw yung eroplanong sinakyan ni Jake.. Guys, Jake is gone."

"ZION MAY KOTSE!!"

Unti unti akong napabangon kasabay nun ang pag buga ng tubig sa bibig ko.

Samantha .. Jake ..

NAKAKAALALA NA KO! NAAALALA KO NA LAHAT.

Nag swimming kami. Nalunod si Samantha. Hindi siya sinagip ni Athena. Namatay si Samantha. Pinarusahan namin si Athena. Hinatid namin sa Airport si Jake. Sumabog ang eroplanong sinakyan niya. Namatay si Jake. Nabangga kami. Naaksidente kami.

Ngayon malinaw na sakin lahat..

Napaiyak ako. Sorry Sam. Sorry Jake.

"Aizhel! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?! Mag papakamatay kaba?!" sigaw sakin ni Zion. Halata sa mukha niya ang pag aalala at takot.

"Samantha? Jake?" sabi ko.

Lahat sila ay nagulat. Yumuko yung iba. Umiiyak sila Athena at Liza.

"Naalala mo na?" mahinang sabi ni Sofia at tumango naman ako.

"Ang sama sama ko! Ang sama nating kaibigan!" umiiyak na sabi ko. Niyakap nalamang ako ni Zion.

Athena.

Tumakbo ako pabalik sa loob. Hindi ko na kaya marinig pa ang lahat. Ang sakit. Ang hirap. Nakakatakot.

Naalala ko nanaman siya. Naaalala ko nanaman si Samantha.

Kahit kailan akala ko hindi ko na maririnig yang pangalan niya. Akala ko ay okay na lahat. Akala ko ay makakalimutan ko na lahat. Hindi pa pala.

Naalala ko nanaman yung sinaktan nila ko. Nakaramdam ako ng takot. Isa samim ang killer kaya malamang kaya niya ko patayin katulad nung ginawa nila sakin dati. Natatakot ako.

Gusto kong kalimutan lahat nung sakit. Bakit ganito? Ayaw niya mawala!

"Samantha. Sorry. I miss you so much."

Sorry kasi hindi kita tinulungan. Sorry kasi wala akong nagawa. Sinunod ko lang naman yung sabi mo diba?

Jake, sorry. Sorry kung hindi ka namin napuntahan sa Airport nung araw na may pag sabog. Sorry Jake.

Ang hirap...

Flashback.

"Athena? Kahit anong mangyari wag mo kong iiwan ah?" nakangiting sabi sakin ni Samantha.

"Oo Sam. Hinding hindi kita iiwan." masayang sabi ko sakaniya.

"Best friend forever?"

"Yes. Best friend forever."

At nagyakapan kami.

End of Flashback.

Naawa ako kay Sam. Mabait siyang tao. Pero..

Joshua.

Naalala niya na lahat. Hindi pwede. Paano na to?

Kahit ako, nasaktan parin ako sa nangyari. Pero aksidente lang ang lahat. Alam naming lahat na wala kaming kasalanan.

Mahal ko sila pareho. Kaibigan ko sila pareho.

Ayokong mag duda at mang bintang.

"Hon, naaawa ako kay, Athena." sabi sakin ni Liza.

"Bakit?" tanong ko.

"Kasi diba, sinisi natin siya kasi hindi niya sinagip si Samantha. Tas nawala pa yung best friend niya. Tas pinarusahan pa natin siya. Grabe yung sakit nung dinanas niya."

"Hays. Hayaan mo na. Malaking pag kakamali lang natin yun. Tapos na ang lahat." nakangiting sabi ko sakaniya.

Ayoko na. Gusto ko ng umuwi. 6 days pa bago kami makauwi samin.

Lord, sana maging maayos na lahat. Sana malimutan na namin yung nakaraan. Sana wala ng sakitan at patayan. Sana makauwi na kami ng maayos. Sana maging ligtas kami.

Samantha at Jake. Kung nasaan man kayo, sana ay masaya na kayo. Mahirap, masakit. Pero kakayanin naming wala kayo. Sorry kung wala kaming nagawa. Pero mahal na mahal namin kayo. Sana ay nasa langit na kayo at masaya na kayong magkasama.

Hide and Seek Where stories live. Discover now