Chapter 22-Survivor

15 0 0
                                    

Joshua.

Agad kaming nakarinig ng tunog.

Andito na ang mga pulis.

Agad akong nakahinga ng maluwag. Ligtas kami. Pero si Liza?

Ligtas kaya siya?

"Okay lang ba kayo?" tanong samin nung isang pulis at tumango naman kami.

Sa ngayon ay pabalik na kami ng Manila. At kinuha narin nila ang mga bangkay nila Liza.

Mahirap man pero kailangan kong tanggapin. Masakit man, pero kailangan kong maging matatag.

Nag promise ako kay Liza na kapag nag kahiwalay man kami ay hindi kami susuko o magiging mahina. Stay strong parin..

Nakakatuwa nga dahil buhay pa si Aizhel. Si Aubrey naman mabubuhay na sana kaso madaming dugo ang nawala sakaniya atsaka masyadong natagalan kaya ayun, wala parin.

Di ko nga alam pero nag papasalamat ako kay God. Dahil nakaligtas ako. 20 kami pero ngayon uuwi kami ng lima. Pero dahil makukulong si Athena, apat nalang kami.

Gustohin ko mang makasama siya ngunit may galit parin ako sakaniya. Ayoko na ngang makalaya siya eh.

Masakit kaya yung maubos yung mga kaibigan mo..

Zion.

Nang makapunta kami sa hospital ay lahat kami ay tag iisang room. Kahit ako, nasaksak kasi kami lahat nung nakatulog kami sa isang room.

Pero dahil matibay ako, tumayo ako at pinuntahan ang mga bangkay ng mga kaibigan ko.

At siyempre pumunta ako sa kwarto ni Aizhel. Andun na sila Mom and Dad (Mom and Dad niya).

"Oh, Zion. Okay na ba ang pakiramdam mo? Sandali nalang at dadating na ang Family mo." -Mom ni Aizhel.

Tumango nalang ako at umupo sa upuan sa tabi ni Aizhel.

"Hanggang ngayon hindi parin namin nakakausap yung doctor. Ginagamot pa nila muna ang mga sugat ni Aizhel" umiiyak na sabi ni Mom.

Kahit ako. Ayoko ng ganito. Ayokong makita si Aizhel na ganito. Na nahihirapan. Sana ako nalang siya.

"Maaayos din ang lahat." -Dad.

Biglang pumasok ang doctor at kinausap ang Family ni Aizhel.

Ako lang ang naiwan sa kwarto niya.

"Aizhel? Did you hear me? Aizhel, i miss you. Aizhel pls wake up." umiiyak na sabi ko.

"Aizhel, bakit hindi ka pa nagigising? May masakit pa ba sayo? Aizhel wag m kong iiwan ah? Di ko kakayanin. Mamamatay ako Aizhel." sabi ko pa.

Nang tignan ko siya ay para lang siyang isang babaeng natutulog. Ang ganda niya.

Pero kapag tinignan mo ang katawan niya, ang daming sugat. Sana ako nalang yung pinarusahan. Sana ako nalang.

_________

Nagisng ako ng biglang may pumasok sa pintuan. Si Mom ni Aizhel pala.

"Zion, okay na raw yung mga sugat ni Aizhel. Pero na coma siya, Zion."

Di ko alam pero natigilan ako. Comatose? It is real?

"After a 1 year pa raw ata siya magigising." umiiyak na sabi nito.

Hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko. No!

Yumuko nalang ako.. Mag aantay ako. Aantayin ko ang pag babalik mo.

___________

Bitin? Hehe short chapter nalang po kasi ito. Emegedd 4 chapters nalang!!

Hide and Seek Where stories live. Discover now