Chapter 8-Happiness

25 1 0
                                    

Liza.

"Guys, tulog na ba si Aizhel?" mahinang sabi ni Joshua.

"Oo. Eh si Zion tulog na rin ba?" tanong naman ni Sofia.

"Oo. Tulog na silang dalawa." sabi ko.

Napagisipan kasi namin na gumawa ng surpresa para sakanilang dalawa. Saktong November 1 bukas. Araw ng mga patay.

Sila Sofia at Leigh lang ang naiwan sa bahay dahil lahat kami ay pupunta sa market para mamili.

Nilakad lang namin yun dahil gabi na, wala ng masasakyan. Sasabihin kong nakakapagod dahil malayo pero masaya naman kasi tawa kami ng tawa.

Nang makarating kami sa market ay bumili muna kami ng mga designs. Pang horror at pang romantic. Siyempre yung pang horror bukas pa ng gabi yun dahil Nov. 1 nga.

At siyempre dahil ang dami naming perang dala ay bumili narin kami ng mga damit. At binilhan din namin nangdamit si Aizhel at Zion.

At bumili narin kami ng costume para bukas.

Pagkatapos nun ay pagkain naman ang binili namin. Nakakatuwa nga kasi para kaming pamilya.

At syempre di mawawala ang bread, biscuits, soft drinks at ang alak.

At bumili rin kami ng sampu na cake ata yun? Dapat nga ice cream rin kaso baka matunaw lang.

"Guys, look oh may rent ng videoke. Renta tayo?" masayang sabi ni Carl at pumayag naman kami. Sinabi namin na 6:00 am ay ihatid na sa bahay yung videoke.

At bumili narin kami ng mga flowers ang candle.

Nakakalungkot nga dahil wala na sila Lyka, Alexa, Janice at Jessy.

Napaisip ako, sila lang kayang apat ang gustong patayin nung Killer? Kasi feeling ko wala ng namamatay eh?

"Ano uuwi na ba tayo? Kasi ako? Gusto ko pa gumala eh." -Jason.

"Tara ikot ikot pa tayo!" sabi naman ni Joshua at pumayag naman kami. Siyempre nakakasawa rin kaya ang taong bahay.

"Ang daming tao noh? Ganito talaga dito?" -Ako.

"Oo. Madaming namimili kapag gabi." sagot naman ni Erica.

"Am, Erica. May i ask?" -Aubrey.

"A what?" -Erica

"Where's make-up store?" tanong nito.

"Bakit?"

"I'll buy." simpleng sagot nito.

"San mo nga ba gagamitin?" -Erica.

"Alam mo Erica, your so tanga talaga! Make-up nga eh! Malamang sa mukha! Like, bukas Halloween kaya magmamake up tayong pang horror. Kaya nga may costume na tayong pang horror eh! Gamit utak ha?!" mataray na sabi ni Aubrey.

"Sa second floor." mahinang sabi ni Erica. Malamang ay napahiya siya. Siyempre, si Aubrey yan eh.

At nagpunta na kami ng second floor. Habang nasa loob si Aubrey ay nasa labas lang kami.

Sila Aubrey, Aizhel, Sofia at Lyka lang naman ang mahilig mag paganda. Eh magaganda naman na sila.

At pagkalabas nila ay umuwi narin kami. 11:00 na kasi ng gabi. Kawawa naman sila Sofia at Leigh.

Hide and Seek Where stories live. Discover now