Chapter 21-Run baby run

14 0 0
                                    

Aizhel.

"Thena. Wag kang mamamatay. Mag babatuhan pa tayo ng lobo na may lamang tubig! Thenaa!" sigaw ni Joshua.

Iyak lang kami ng iyak ng makita kong biglang sinugod nila Zion, Prince at Joshua si Jake.

Napatingin ako kay Jake. May dugo siya sa dibdib na nakahiga. Napatingin ako kay Zion.

"Aizhel! Tara bilis!!" sabi niya kaya tumayo na ako at tumakbo palabas.

Nang makalabas na kami ng bahay ay agad na nawala ang kaba ko. Pero napatingin ako kila Zion. Ang layo na nila sakin.

Nagulat ako ng bumukas ang pintuan sa may bahay. Shit mahahabol niya kami!!

*BANG*

Medyo bumagal ang pag takbo ko ng barilin niya ako sa likod. Nakangiti lamang ako kay Zion habang gulat na gulat silang nakatingin sakin.

Ngunit tumatakbo parin ako. Kailangan kong maging malakas. Kailangan na naming makatakas dito.

*BANG*

Sa pangalawang putok na yun ay parang nanghina na ako.

Agad akong natumba at ang masaklap ay may malaking bato ang nabagsakan ko.

Bigla nalang akong nahilo.

"Zion."

Zion.

Nang makalabas na kami sa bahay ay mas binilisan pa naming tumakbo. Ito na makakatakas na kaming apat.

Takbo lang ako ng takbo habang may ngiti sa mga labi. Ang saya. Makakaligtas na kami. Hindi kami mamamatay.

Medyo kalayuan na kami ng makarinig ng isang putok ng baril. Napatingin ako sa mga kasama kong napatigil sa pag takbo.

Gulat ako sa aking nakita.

Si Aizhel. Nabaril siya.

Ngunit tumatakbo parin siya. Kahit medyo mabagal ay lumalaban parin siya.

Nakatingin lang siya sakin na nakangiti.

Ngunit ako, tumutulo na ang aking mga luha. Gusto ko mang puntahan siya pero parang hindi na ko nakagalaw.

Aizhel labanan mo.

Hanggang sa pumutok ulit ang baril. Tuluyan na kong napahagulgol ng iyak.

AIZHEL!!!!

Napatigil siya sa pagtakbo at unti unting natumba sa malaking bato.

Napatigil rin si Jake.

Agad akong napalapit kay Aizhel at niyakap ito.

Umiyak lang ako ng umiyak. May dugo siya sa likod at sa ulo. Ngunit humihinga parin siya. Nawalan lang siya ng malay sa pagkauntog.

Aizhel, lalaban tayo.

Napatingin ako kay Prince. Umiiyak rin siya. Halata sa mga mukha namin ang lungkot.

"JAKE?! NAKITA MO BA TONG GINAWA MO?! JAKE ANO BANG KASALANAN NI AIZHEL SAYO?! WALA NAMAN DIBA? BAKIT MO BA SIYA PINAPAHIRAPAN NG GANITO?!" sigaw ko sakaniya.

"Sakin wala siyang kasalanan. Pero kay Samantha, marami." sabi niya.

"TANGINA JAKE! SI SAMANTHA YUN! MATAGAL NA SIYANG PATAY JAKE! WALA NA SI SAMANTHA! GUMISING KA SA KATOTOHANAN!" sigaw ko pa.

"Akala mo ba madali? Oo tama ka. Antagal na simula nung namatay siya. Pero yung mga alaala niya? Nasakin parin. Andito parin! Zion, sobrang hirap at sakit!" umiiyak na sabi niya.

"TINURING KANG KAPATID NI AIZHEL TAPOS AY GUSTO MO SIYANG PATAYIN?! ANONG KLASE KA?! NAPAKASAMA MO!" sigaw ko habang umiiyak.

"Di lang kayo ang nahirapan. Nawalan ako ng pamilya bro. Wala na lahat sakin. Mas mahirap pa yung naranasan ko kesa sayo!" sabi niya habang umiiyak.

Saglit kaming natahimik at natigil.

"Ngayon, ikaw naman ang isusunod ko!" sabi niya sakin at itinutok niya sakin ang kaniyang hawak na baril..

Napapikit nalang ako. Mamamatay na ko.

Hanggang sa nakarinig ako ng maraming beses na putok ng baril.

Ngunit nagulat ako ng pag dilat ko ng mata ay nakita ko ng nakahiga na si Jake sa sahig.

Puro dugo ang kaniyang likod.

Napatingin ako sa may hawak ng baril.

'Athena'

Buhay pa siya...

"Athena? Okay ka lang ba?" tanong ni Joshua sakaniya.

"Oo. Okay lang ako. Ang drama niyo kanina!" natatawang sabi niya.

"Nabaril ka diba?" tanong ko.

"Oo. Pero may shield ako no! Killer ako diba?" sabi niya kaya natahimik kami at natakot.

"Wag kayong mag alala. Tumawag na ko ng mga pulis. Papunta na raw sila dito. Ikukulong na nila ko. Okay na yun hehe." sabi niya.

Pero kahit nakangiti siya ay ramdam ko na nasasaktan parin siya.

Thank you lord.

Safe kami.

Hide and Seek Where stories live. Discover now