Chapter 23-Sad days

16 0 0
                                    

Aizhel.

Nagulat ako ng pag kagising ko ay puro puti ang sumalubong sakin. Teka nasaan ako? Diba nasa Batangas kami?

"Zion?" tawag ko.

Nasaan ba kasi ako? Ano bang meron dito? Nawawala ba ko.

"Aizhel." nagulat ako ng makita ko si Samantha.

Hindi ako makapaniwala kaya tumulo ang mga luha ko sa gulat. Nandito siya. Buhay siya.

Agad akong lumapit at lumuhod sakaniya.

"Samantha, sorry. Samantha, sorry sa lahat ng kasalanan ko/namin. Sorry patawarin mo ko Samantha" umiiyak na sabi ko sakaniya.

"Sige. Basta't sumama ka sakin" sabi niya kaya tumayo ako at sumama na sakaniya...

Zion.

Agad akong bumangon sa higaan ko at nag ayos. May pasok na kasi kamk ngayon.

Nakakalungkot nga at hindi ko kasama si Aizhel sa pagpasok ko. Tanging si Prince at Joshua.

Pag pasok namin sa Campus ay madaming nag bulung-bulungan.

*ROOM*

"Bakit ang daming absent?!" sigaw nung teacher namin. Napapikit ako sa inis kaya tumayo na ako.

"YUNG MGA KAIBIGAN KO! HINDI SILA ABSENT! NAMATAY SILA! PINATAY SILA NI ATHENA AT JAKE! SI AIZHEL! NASA HOSPITAL SIYA NA COMATOSE! OKAY NA?" sabi ko.

Lahat sila ay nagulat. Yung iba ay napaiyak. Masakit kasi talaga.

"Okay." sabi nung Adviser namin at nag turo.

Hindi ako mapakali. Halos hindi ko na nga maintindihan lahat ng itinuturo niya. Nababaliw na ko.

Hanggang sa mag break time na. Lahat kami ay pumunta sa canteen.

"Bro, kanina ka pa tahimik jan ah?" tanong sakin ni Joshua.

"Di lang ako sanay. Tignan mo silang lahat, nagtataka sila kung bakit tatlo lang tayo. Imagine 20-4?" sabi ko.

"Nakakalungkot." sabi naman ni Prince na nakayuko.

Actually naaawa ako sa dalawang ito. Dahil namatayan sila ng girl friend. Buti nalang talaga comatose lang si Aubrey.

Pero very sad parin.

Tumayo muna ako at nag punta sa park ng school. Dito kasi walang masyadong tao. Tahimik, mahangin.

Napahiga ako sa grass.

Tanging sa langit lamang ako nakatingin. I miss my friends. And i miss my girl friend.

Kung sana pwede lang maayos yung dati, ginawa ko na. Edi sana walang patatang naganap.

Ang sama kasi namin eh. Pero alam namin na napatawad na kami ni Samantha.

Unti unting tumulo ang luha ko.

Sam? Sorry. Di ko naman alam na nag pakamatay ka dahil sa kasamaan namin. Sorry ha, pls. Wag mo munang kunin si Aizhel. Mahal na mahal ko siya.

Ang lungkot. Yung dating sayahan naming lahat. Nauwi sa patayan at galit. Akala ko magiging masaya lang kami.

Pero may mali rin pala sa mga bawat galaw namin...

Joshua.

Nang mag uwian na ay pinili ko nalang na mag isa na umuwi. Gusto ko munang mapag isa.

Agad akong pumunta sa parking lot. Merong upuan dun kaya dun ako umupo at tumambay.

Magdidilim na pero ayoko pang umuwi.

"Gabi na ah. Di ka pa ba uuwi?"

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Feeling ko nagsisimula nanaman ulit.

Yung boses na to. Hindi pwede. Ikinulong siya!

"ATHENA?"

Nagulat ako ng tumawa siya ng malakas. Sobrang lakas. Pero napatigil din ito at tumingin sakin.

Nakakatakot ang itsura niya.

"B-bakit ka andito?" natatakot na sabi ko.

"Bakit? Ayaw mo ba kong makita best friend?" sabi nito.

"Diba nakulong ka? Tumakas ka ba?" tanong ko pa ulit.

"Haha. Ako makukulong? Remember, I am 17 years old only. Hindi nila ako makukulong." sabi niya at nagulat ako ng hampasin niya ko ng baseball bat. Pero hindi lang yun, may nakalagay dun na barbed wire.

"AAAAAAHH!" napasigaw ako sa sakit.

Sa ngayon ay gumagapang na ko. Akala ko tapos na. Akala ko magiging maayos na. Hindi pa pala.

"Haha. Masarap ba? Ayaw mo ba yun? Mamatay ka na. Makakasama mo na ang pinakamamahal mong Liza." sabi niya at tumawa ng nakakaloko.

Ito rin ba ang ginawa niya kay Liza? Damn!

"Haha. Parepareho tayong makasalanan, parepareho tayong mag kakasama sa impyerno!" sabi nito na tumatawa.

Hindi na ko nakagalaw pa ng hampasin niya ako ng paulit ulit. Ang daming dugo, yung mga balat ko na natanggal.

Dahil sa sobrang sakit, naiyak nalamang ako.

Eto na nga yung araw na inaantay ko.

Akala ko tapos na lahat.

Hide and Seek Where stories live. Discover now