Chapter 17-Hide and Seek

15 0 0
                                    

Zion.

Biglang pumasok yung killer. Hindi na kami natakot kasi kilala na namin siya..

Lalaki ang nasa kwarto namin ngayon na salarin..

"Tignan mo nga naman, nag tatapang tapangan parin kayo hanggang ngayon. Sino kaya ang mamamatay sainyong tatlo?" sabi nung killer na may hawak na kutsilyo.

"Hayop ka! Paano mo nagawa samin to?! Tinuring ka naming kaibigan! Anong dahilan ha? Ano?!" sigaw ni Joshua ngunit tinawanan lang siya nito.

"Kinaibigan ko nga ba kayo? Hahaha gusto niyo bang makaligtas? Simple lang.. Pakakawalan ko kayong lahat na natitira. Magtatago kayo dito sa loob ng bahay. Siguraduhin niyong sa loob lang. Kapag nahirapan ako sa pag hahanap sainyo ay palalabasin ko kayo at patatakasin. Pero kapag kayo ay nahuli ko ay PAPATAYIN KO KAYO." sabi niya. "Walang mag tatangka na lumabas dahil tiyak na mamamatay talaga kayo" sabi niya.

"EH PANO KUNG AYAW NAMIN?!" -Prince.

"Manahimik ka kung ayaw mong mauna.." sabi niya at lumabas.

Nakakainis. Kailangan na naming makaalis ngayon dito. Kailangan pa naming mahanap sila Erica.

Sana ay ligtas lang sila Aizhel.

Aubrey.

Nagising ako ng nakatali na ako sa isang upuan. Katulad nanaman nung kanina.

Tiningnan ko sila Aizhel, Athena at Liza at si Sofia na may sugat at mga dugo pero buhay pa. Nakatali rin sila katulad ko.

Napatingin ako sa kaliwa ko. Di ko maiwasang maiyak.

Patay na si, Erica.

Siya siguro yung binaril ng dalawang beses. Pasensiya Erica. Pinagkamalan ka pa naming Killer.

Lahat kami ay nakatali. So sino yung babaeng killer?

"Rule No. 1- Don't trust to anyone."

Naalala ko ang sinabi ni Samantha.

"Natatakot na ko." umiiyak na sabi ni Athena.

"Sana ay pinatay niya nalang ako. Tsk!" sabi ni Sofia.

Teka? So kanina pa si Sofia rito? Ibig sabihin kilala niya na yung killer?

"S-Sofia, sino yung kille---

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng may sumaksak sa ulo niya. Napasigaw kami sa takot.

Napatingin ako sa killer na nakatayo sa malapit sa pintuan..

Nakamaskara siya kaya hindi ko makilala. Pero alam kong lalaki ito.

"Gusto niyo bang makatakas?" tanong niya samin. Di kami nag salita.

"Simple lang naman. Pakakawalan ko kayong lahat na natitira. Magtatago kayo dito sa loob ng bahay. Siguraduhin niyong sa loob lang. Kapag nahirapan ako sa pag hahanap sainyo ay palalabasin ko kayo at patatakasin. Pero kapag kayo ay nahuli ko ay PAPATAYIN KO KAYO." sabi niya. "Walang mag tatangka na lumabas dahil tiyak na mamamatay talaga kayo" sabi niya at tumawa ng malakas.

"Game?"

_____________

Hindi ko alam pero pumayag kami sa sinabi nung killer pinatago niya lahat kami.

Nandito ako ngayon sa room nila Erica. Nakatago lang kami may ilalim ng kama niya. Meron kasi doon na taguan pero maliit lang.

Pag pasok namin dun ay nadatnan namin ang bangkay nila Lance, Jason at Alex. Gusto ko mang sumigaw pero hanggang iyak nalang ang kinaya ko.

Ang mga kasama ko ay sila, Aizhel, Zion at Prince lang. Kami lang apat.

Takot na takot ako. Hanggang ngayon ay takot na takot parin ako.

"Guys sino yung killer?" tanong ko.

"Si Asdfghjkl." -Zion..

Tumulo ang luha ko. Siya yung killer? Pero paano? At bakit? Mag kakaibigan kaming tunay pero bakit?

"Teka, diba dalawa yun? Sino yung isa?" -Aizhel.

"Isa lang yung nakilala namin. Hindi pa namin nakikita yung isa." -Prince.

"Paano nangyari yun edi b--

"Shhh" -Zion

"Paano tayo makakaalis? Kinakabahan na ako." -Aizhel.

"Basta mag ingat lang tayo. Wag kayong matakot, lumaban kayo." -Zion

"Konting araw nalang at aalis na tayo." -Prince.

France.

Patuloy lang ako sa pag takbo. Kahit na bawal sa labas ay lumabas parin ako. Dumiretso ako sa dagat.

Okay na ang malunod kesa masaksak o mabaril....

Takbo lang ako ng takbo. Kasabay ng malakas na pag ulan at pag tulo ng luha ko.

Alam ko na hindi mag tatagal ay mamamatay na ko.

Hindi ko akalain na hindi na ko makakapag tapos. Nahindi na ko na magiging asawa si Erica. Pareho na kaming patay kaya kapag namatay ako ay mag kasama na kami.

Napatigil ako ng maisip yun..

Napangiti ako. Erica, Sorry love kung hindi kita naprotektahan. Don't worry. Susunod ako jan. On the way na ko.

Tatakbo sana ako ng marinig ko ang sunod sunod na pag putok ng baril. Kasabay nun ang pag sakit ng katawan ko.

Ang sakit.

Nakita ko nalang na may dugo na ko. Eto na nga ba ang katapusan ko? Hanggang dito na nga lang ba ako?

Napangiti ako pero pumapatak parin ang luha sa mata ko.

Eto na ang karma ko sa mga kasalanan ko. Siguro nga ay mabuti narin ito.

Bigla nalang nag blur ang lahat.

Good bye guys. Thank you for all. I love you. Take care.

Leigh.

Nandito lang ako nakaupo sa sala. Lahat sila ay nag tago kaya ako lang mag isa.

Maya maya ay may lumapit sakin. Yung killer na babae.

*smirk*

Alam ko namang katapusan ko na kaya hindi ko na pinapatagal pa. Gusto ko ng makasama si Sofia sa langit..

Para san pa ang buhay ko kung mamamatay silang lahat na kaibigan ko? At kung mamamatay ang pinakamamahal kong babae sa mundo?

"Bakit andito ka Leigh? Hindi ba dapat ay nagtatago ka?" sabi niya sakin pero tinawanan ko lang siya.

Inaasar ko lang siya para barilin niya na ko. Atat na kong mamatay.

Nagulat ako ng barilin niya ko sa noo ko. Ang bilis ng pangyayari. Di ko namalayan na magkalapit nalang kami ngayon at nakatutok na ang baril sa noo ko.

Ang sakit. Napaiyak nalang ako. Pero eto na nga yun. Mamatay na ko. Mag kakasama na kami ni Sofia..

Hanggang sa lumabo na ang lahat. Katapusan ko na.

Hide and Seek Where stories live. Discover now