Chapter 25-Goodbye

12 0 0
                                    

Zion.

Napailing nalang ako at nag punta na ako sa kwarto ni Aizhel.

Wala paring nangyari ganun parin.

Napatingin ako sa orasan. Shit! 12:30 pm na?!

"Babe? Uuwi na ko ha? Babalik ako bukas promise. May pasok pa ako bukas eh. Sige babe ha. I love you." sabi ko at hinalikan siya sa noo at lumabas na.

Nang nag lalakad ako papunta samin ay parang feeling ko may sumusunod sakin.

Tsk?

Namalayan ko nalang na papunta pala ako ng Police Station.

Teka? Bakit dito?

Pumasok ako sa loob. Dito ikinulong si Athena.

"Sir sino po hanap niyo?"

"Athena Quinton." sabi ko.

"Am, sir. Nakalaya na po siya."

Natigilan ako. Nakalaya?! Wgat the fuck?! Bakit siya makakalaya?! Ang dami niyang pinatay?! Dapat ay hindi iyon makakalaya!!! Pano nalang kung?

No hindi pwede!

"AT BAKIT? INURONG NABA NAMIN ANG KASO?!" sigaw ko.

"Sorry sir. Pero 17 years old palang po si Ms. Quinton." sabi nito at umalis. Inis narin akong lumabas sa polive station! Shit pano nalang kung balikan nun kami?!

Ngayon ay pauwi na ako. Wala kasi akong dalang sasakyan dahil nag lakad lang ako kanina papuntang hospital.

"Bakit ka gumagala sa gabi?" napatalon ako sa gulat ng makita ko ulit yung matandang babae kanina.

"Sabi ko sayo! Mag iingat ka! Malapit na siya sayo! Tumakbo kana!" sabi nito at tumakbo siya palayo sakin.

Nakatingin lang ako sa kawalan. Ano bang sinasabi niya?

Nagulat nalang ako ng maramdaman kong may dugo na ang tiyan ko. Hanggang sa natumba ako.

"Hi Zion. Miss me?"

Athena?!

Hanggang sa pinagsasaksak niya ulit ako ng walang tigil.

Iniyak ko nalang lahat. Paano na to? Paano ko na makakasama si Aizhel? Paano na kami ikakasal? Paano ko na siya maililigtas kung mamamatay na ko?!

Ganito na ba kami kasamang tao?!

"Paalam na Zion. Magsamasama na kayo sa inferno!" sabi nito at umalis.

Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong. Pero wala na.. Katapusan ko na nga ito siguro...




1 years later.

Aizhel.

Unti unti kong dinilat ang aking mga mata. Nasaan ako? Bakit puro puti nanaman?!

Nakita ko sila Mom and Dad na nakaingiting nakatingin sakin. Dahan dahan akong umupo.

"Mom. Asan ako? Asan sila Zion?" tanong ko.

Nagtinginan sila saglit at napayuko.

"MOM! DAD?! KAGABI?! NASA BATANGAS PA KAMI KAGABI! ASAN SI ZION? ASAN SILA?!" tanong ko.

"Baby. Tulog ka pa kagabi. Baby, na comatose ka." natigilan ako. "Isang taon ka ng natutulog dito sa Hospital. Sila Zion? I'm sorry baby, patay na silang lahat. Si Zion, Joshua at Prince ang kasama mong makapunta dito. Pero pinatay rin sila Baby." sabi ni Mom at napayuko.

No! Hindi! Hindi pa patay si Zion! Magpapakasal pa kami! Mag sasama pa kami! Damn!

Umiyak ako ng umiyak. Habang tulog ako, nawala na pala siya sa tabi ko. Naaalala ko pa yung narinig ko yung boses niya na umiiyak sa tabi ko. Sabi niya di niya ko iiwan, pero bakit ganito?!

Ang sama sama ko. Wala man lang akong nagawa para iligtas siya?! Sana namatay nalang din ako. Wala ng kwenta tong buhay ko!   

Hanggang sa pag uwi ko ng bahay ay tahimik parin ako. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko.

Iyak lang ako ng iyak. Gusto ko ng mamatay. Sa tingin ko wala ng kwenta tong buhay ko.

Wala na ang kaibigan ko. Wala na ang mahal ko! Sino pa ba mawawala?! Kukunin na ba nila lahat sakin?

Lord? Sobrang sama ko ba? Bakit ganito? Sana ay kinuha niyo narin ako! Lord anjan ba si Zion? Pasabi miss ko na siya. Pasabi mahal na mahal ko siya. Antayin niya ko sa langit ha? Diyan kami sa heaven mag papakasal. Para buo rin kaming magkakaibigan.

Zion? Naririnig mo ba ko? Sorry kung wala akong nagawa. Akala ko okay na pero hindi parin pala. Babe? Salamat salahat.


Mapapatay ko kung sino ang gumawa sayo ng ganito.


______________

Bitin? Haha wag mag alala may Epilogue pa! Dun ako babawi promise.

So sad kila Zion, Joshua and Prince.

Sa mga may favorite ng characters jan? Sorry po kung namatay sila Haha. Kasama po talaga sa plano ng story yun.

Si Aizhel at Athena na nga lang ba talaga ang matitira?

Hide and Seek Where stories live. Discover now