Chapter 4-Let's the game begin

21 0 3
                                    

Aizhel.

Nakatingin lang ako sa mga kasama namin. Ayaw maalis sa isip ko ang nangyari nung isang araw. Yung mga araw na nasigawan at nagalit ako sakaniya.

Yung mga panahon sinabihan ko siya ng wala akong pake kung mamamatay siya. Pero ngayon, patuloy pa rin akong nag hahanap ng hustisiya sa pag kamatay niya.

Si Erica. May posibleng siya ang pumatay. Siya kasi ang nagdala samin rito. Siya rin ang may alam ng lahat ng lugar na to. At isa rin siya sa mga kasama ni Lyka bago mamatay. At kilala ko yan si Erica. Alam kong kaya niya ring pumatay

Si Sofia. Posible rin. Kasama din kasi siya bago mamatay si Lyka. At alam kong insecure si Sofia kay Lyka. At malakas makipagaway yan si Sofia at alam kong pwede niya ring mapatay si Lyka dahil sa inis at inggit. At siya rin kasi ang nagyaya na mag laro.

Si Alexa. Posible na may Imposible. Mabait si Alexa. At alam kong hindi niya kayang pumatay. Pero isa siya sa kasama nila Lyka.

Si Athena. Posibleng posible. Tulad nung isang araw. Nagalit siya kay Lyka dahil nagseselos siya sa pagtetext nila ni Kyle. At pwede rin siya dahil sabi nila nang mahuli na si Athena ay mga 5 mintues lang ay nawala na si Lyka. At  si Athena raw ang pinakahuling dumating samin sa 2nd floor. At siya rim kasi ang nag sabing tagutaguan ang lalaruin. Pero kilala ko si Athena. Mabait yan. Maasahan. Never kong nakitang magalit yan. Alam kong hindi niya kayang pumatay.

Si Carl. Imposible dahil gf niya si Lyka. Pero meron ding posible.

Ako? Impsible kahit na mortal ko na kaaway yan never akong pumatay na kaibigan ko.

Imposible namang kami kasi mag kakasama kami. At imposible rin na sila Zion dahil magkakasama sila ng maabutan nila sila Erica na wala na si Lyka sa likod nila.

Hindi rin namang pwede na si Carl dahil girlfriend niya yun. At alam kong hindi niya kayang saktan si ng ganon si Lyka. Pero may posible rin.

Hindi kaya ay sila Erica, Sofia at Alexa nga ang pumatay? Baka kasi pinagtulungan nila si Lyka. At kaya rin sila tumakbo dahil baka mahuli sila?

Oh diba, posible.

"Guys matulog na muna tayo." sabi ni Carl at tumango naman kami.

"Bukas nalang natin ituloy ang laro. Bukas ng umaga mismo." -Prince.

"Am, wait lang. Yung mga kasama ni Lyka matuloy samin nalang kayo tumabi. Alam ko namang ayaw niyo makita ang bangkay niya kapag tulog na kayo." sabi ni Erica.

*****

Nagising ako ng gisingin ako ni Aubrey. Masaya kaming bumaba para kumain. Ewan ko pero ang saya.

"Oh my god sis, nauna pa tayong gumising kay Janice." sabi pa nito at tumango naman kami.

Nagpunta kami ng room nila at nagulat kami ng walang tao doon. Bumaba kami at nakita namin si Erica at Athena lang. Kumakain sila.

"Asan ang boys?" tanong ko.

"Andun sa labas. Nag hahanap ng mahihingan ng tulong." -Erica.

"Teka sila Janice, Jessy at Alexa. Asan sila?" tanong ni Aubrey.

"Amm, guys. Alam ko kasi pag kagising ko kanina si Athena nalang ang kasama ko. Wala silang tatlo." natatskot na sabi ni Erica.

Biglang may pumasok sa utak ko at napapunta ako sa taas. Sa room na kung saan namatay si Lyka.

Nagulat ako ng makita ko sila Janice, Jessy at Alexa. Patay narin sila. Pugot ang ulo ni Alexa. Halos makita na ang puso ni Janice. At puro saksak si Jessy.

"GUYS!!" sigaw ko at nagpuntahan naman sila sakin.

"OMG!!" sigaw naman ni Aubrey.

Agad na yumakap sakin si Zion. Alam kong nag aalala narin siya.

"Sinong walang hiya ang gumawa ng ganiyang kababoy? Ginawa nilang hayop ang mga kaibigan natin!!" galit na sabi ni Zion.

Nakita kong napaiyak nalang sila Alex at Jason. At napayuko nalang si Lance.

Nandito kami ngayon sa sala. Lahat ay tahimik. Walang may balak mag salita. May umiiyak. May nakayuko. Halo halo ang emosyon naming lahat.

"ERICA AT ATHENA! UMAMIN NA NGA KAYO! KAYO LANG NAMAN ANG PWEDENG GUMAWA NITO AH?!" sigaw ni Aubrey.

"BAKIT BA LAGING AKO SINISISI NIYO? DIBA PWEDE RIN NAMANG TAGA LABAS?!" sigaw ni Erica.

"EH DIBA IKAW NARIN MISMO ANG NAG SABI?! SINABI MO SAMING WALA NG TAO MALIBAN SATIN DITO!" sagot naman ni Aubrey.

"Guys? Pano umabot sa puntong ganito? Maayos pa naman tayo diba? Maayos pa tayo. Masaya pa tayo. Guys kung sino man yung pumatay, maawa naman kayo. Umamin nalang kayo. Magkakaibigan tayo. Pero ang sakit isipin na nakakaya niyong pumatay ng sarili niyong kaibigan! Guys, bonding natin to. Unti unti na tayong nauubos. Walang tumutulong satin. Tayo tayo lang ang magtutulungan diba? Pero hindi. Dahil hanggang ngayon andito parin yung pumapatay. Pinaglalaruan niya parin tayo!" umiiyak na sabi ni Sofia.

"Wala kayong puso!" -Carl.

Erica.

"GUYS? BAT BA AYAW NIYONG MANIWALA SAKIN?! WALA AKONG KASALANAN. GUYS, KILALA NIYO KO. ALAM NIYONG HINDI KO KAYA MAKAPATAY. POR QUE BA NA KASAMA NILA AKO AKO AGAD? POR QUE BA AKO NAG DALA SAINYO DITO AKO NA AGAD? PWEDE DING MGA TAGA LABAS YUN! MAY DUMADAYO RIN MINSAN DITO GUYS!! NAWALAN NA KAYO NG TIWALA SAKIN!" sigaw ko at napayuko nalang at umiyak.

"Wag niyong sisihin si Erica na para bang mga perpekto kayo. Wag nga kayong mag malinis. Lahat tayo dito ay pwedeng maging killer!" sigaw ni France sa kanila.

Masakit. Masakit isipin na pinagdududuhan ka ng mga kaibigan mo. Kaibigan ko sila Lyka. Hindi ko sila kayang patayin. Makahawak nga lang ng kutsilyo hindi ko magawa eh! Makakita nga lang ng dugo nandidiri na ko eh!

Hindi ko naman alam na mangyayari to. At hindi ko rin naman alam na may nagtritridor saming magkakaibigan.

"TAMA. HINDI NIYO KAMI DAPAT SISIHIN. ANO?! NAG MAMALINIS KAYO? LAHAT TAYO PWEDENG MAKAPATAY DITO! HINDI LANG K-KAMI. AT ALAM KO SA BUONG BUHAY KO HINDI KO KAYANG PUMATAY!!" sigaw ni Athena. At niyakap naman siya ni Kyle.

"Guys wag naman muna mang duda kung walang proweba." mahinang sabi ni Kyle.

"Pero dre! Kailangan pa ba ng proweba? Kahit ikaw mismo! Mapapansin mo sa mga mata mo! Makikita mo kung sino ang may kasalan ng mga lahat ng ito!" -Lance.

"I can't believe it. Nakaya niyong pumatay? Ikakaunlad niyo ba yan? What the fuck!" sigaw ni Aizhel.

"Pwede ba Aizhel! Ikaw?! Aminin mo! Nakapatay ka na diba? Maraming beses na! Baka ikaw ang pumapatay sinisisi mo lang para mapagtakpan ka!" sigaw ni Kyle.

Tumayo naman si Zion at sinuntok si Kyle. Hindi nakalaban si Kyle dahil alam naming lahat na hindi siya mananalo kapag si Zion na ang nagalit. At inawat na din naman nila Alex.

"Ayusin mo pananalita mo ha! Yang girlfriend mo ang pumapatay!!" mahinang sabi ni Zion pero puno ng takot at galit ang boses niya.

Jason.

Kaibigan ko ba talaga tong mga kasama ko? Bakit ganito? Bakit ang gulo? Bakit ang ingay?

Bakit may pumapatay?

Maayos naman kami dati ah? Pano umabot sa ganitong punto?

Sino ba ang pumapatay?

Hide and Seek Where stories live. Discover now