Chapter 14-Flashback (4)

15 0 0
                                    

Athena's

Binuksan ko ang mga mata ko. Nasan kami?

Ang sakit ng ulo ko. Nahihilo ako. Ang sakit ng buong katawan ko.

Puti. Kulay puti. Kulay puti lahat.

Nasa hospital ako?

Bigla akong napaupo pero biglang sumakit ang ulo ko. Teka? Asan ang mga kaibigan ko?! Nasa van kami kanina tapos may dumaang kotse tapos...

Aurghhh!! Nabangga kami!!

Teka? Asan yung mga kaibigan ko?

Dahan dahan akong tumayo. Pag kalabas ko ng room ko ay nakita ko kaagad si Zion sa isang room. Sabi nung doctor ay stable na raw ang lagay niya. Tinignan ko rin ang iba at ganon din sila gaya sakin. May mga sugat. Pero yung iba wala paring malay.

Hanggang sa marating ko yung room ni Aizhel.

Nakahiga siya. Wala parin siyang malay.

Pag pasok ko sa loob ay umupo muna ako sa upuan malapit sakaniya. Unti unting tumulo ang mga luha ko.

Ang dami niyang sugat.

"Aizhel?! Anong nangyari?!!" nagulat ako nang pumasok sila Zion. Takte nakakagulat.

As in lahat kami andito.

"Yung mga magulang natin natawagan na ba?" sabi ni Aubrey at tumango naman ako.

Lahat naman kami ay sugatan. Maliban kay Aizhel, hindi pa siya nagigising.

Nakita kong tumulo ang luha ni Zion at napakapit ang kamay niya sa kamay ni Aizhel.

"Sana okay lang. Sana walang masamang nangyari." sabi ni Zion.

Hide and Seek Where stories live. Discover now