Chapter 18-Fight for love

17 0 0
                                    

Kyle.

Flashback.

"Baby, habulin mo ko!"

At dahil sa pagkapikon ay hinabol ko siya. Nakakainis na kasi, kanina niya pa ko inaasar.

"Haha baby habol!" pag mamayabang niya pa.

At dahil mabilis akong tumakbo ay nahabol ko siya. Tawa lang kami ng tawa dalawa.

Pagkaharap niya sakin ay bigla ko nalang siyang hinalikan.

Mahal na mahal kita, Athena.

"Baby, forever tayo ah?" nakangiting tanong niya.

"Oo naman." -Ako.

"Wag tayo mag hihiwalay ah? Lalaban tayo. I love you." sabi niya at yumakap sakin.

"I love you too. Never kitang iiwan. I promise." -I said

End of Flashback.

Tumulo nanaman ang luha sa mata ko. Shit naman, para akong bading.

Athena asan ka na ba?

Ako lang ang mag isang paikot ikot dito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kailangan kong mahanap si Athena. Kaialangan kong malaman kung ligtas siya.

Hindi ko alam kung makakaalis pa kami ng ligtas rito. Nakakatakot.

Baka mamatay kaming lahat.

"Bakit hindi ka nag tatago?"

Napatingin ako sa likod ko. Yung killer. Lalaki siya!

"Nasaan si Athena?! Ilabas mo siya!" sigaw ko sakaniya ngunit tumawa lang siya.

"Patay na siya"

Pag kasabi niyang yun ay bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Ayoko na. Gusto ko ng mamatay. Wala na siya.

Wala na ang pinakamamahal kong babae sa mundo.

Athena, sorry kung hindi kita nailigtas.

Hanggang sa nag dilim ang lahat...

Liza.

"Babe dito tayo." sabi ko kay Joshua at pumasok sa isang parang maliit na taguan.

Kaming dalawa lang ang nahiwalay. Kanina kasi ay kasama pa namin sila Zion ngunit nawala sila kaya kami nalang ang nagtagong dalawa.

Takot na takot na ko. Kinakabahan din. Makakaligtas kaya kami?

"Babe, wag kang matakot. Andito lang ako. Hindi kita iiwan." sabi niya sakin.

Napaiyak nalang ako.

Natatakot ako na baka mamaya o bukas ay hindi na kami magkasama. Na baka wala na kami.

Mahal na mahal ko tong lalaking to.

"Kailangan na nating lumabas." bulong niya kaya tumango nalang ako.

Tumingin muna kami sa labas ng pintuan kung may tao, pero wala. At umakyat kami ng second floor. Papasok na sana kami sa isang room, ngunit napatigil kami...

"Sweet niyo naman."

Aizhel.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari to. Feeling ko hindi na ko makakalabas o makakatakas pa rito.

Gusto ko man na tumakas ng mag isa ngunit andito ang mga kaibigan ko. Gusto ko man na ipaghiganti sila ngunit hindi ko kayang pumatay ng kaibigan ko.

Andami nang namatay... Ilan na nga lang ba kaming natira?

Napatingin ako kay Aubrey. Umiiyak parin siya. Kahit ako, hindi ko mapigilan. Masakit, nakakatakot.

Ayoko ng ganito.

Napasilip ako sa may bintana. Umaga na. 4 days. nalang kami dito..

Magsasalita na sana ako ng biglang may nag salita galing sa labas.

"SUKO NA KO! LABAS NA KAYO! MAKAKATAKAS NA KAYO!"

Hindi ko alam pero napangiti ako. Sumuko na yung Killer. Hindi niya kami nahanap.

Lumabas kami mula sa kwarto. Nauna si Zion sunod si Prince sunod ako at sa likod ay si Aubrey.

Ngunit akala ko ay tapos na.

Hindi pa pala....

"Teka? Ano yun? Sh---

At bigla nalang nag blur ang lahat. Katapusan ko na ba?

Third Person POV

Lahat sila ay nakatali na ngayon sa silya. Dahil buong akala nila ay tapos na ang lahat. Ngunit hindi pa pala.

Ang natitira nalamang ay sila Kyle, Aizhel, Aubrey, Zion, Prince, Joshua at Liza.

Unti unting nagising si Aubrey. Hilong hilo siya dahil dun sa usok na naamoy nila bago sila himatayin.

Napaiyak siya ng makitang naloko lang pala sila nung Killer. Na wala ng patayan.

"G-Guys?" umiiyak na sabi ni Aubrey.

Agad namang nag sigisingan ang mga kasama niya. Gaya niya ay napaiyak rin yung iba at yung iba ay nagulat.

Isa lang ang tanging tanong sa isipan nila.

Sino nga ba sakanila ang, Killer?

Hide and Seek Where stories live. Discover now