Chapter 16-Again

16 0 0
                                    

Aizhel.

"Keep calm Aizhel. Fast is fast. Samantha and Jake was gone." sabi ni Carl.

"No! Ganiyan ba kadali yun sainyo ha?! Anong klaseng kaibigan kayo?!" sigaw ko at umakyat sa kwarto ko.

Napapagod na ko. Ayoko na.

Napatingin ako sa may bintana. Gabi na. Kaya natulog nalang ako. Sana bukas makalimutan ko na to.

Sana bukas wala nang masakit.

_____________

Nagising ako ng may narinig akong malakas na sigaw. Puno ng takot.

Napatayo ako at tumakbo pababa.

Napatigil ako sa pag baba ng hagdan ng may nakita ako.

Si Carl.

May dugo ang ulo niya. At may saksak rin siya sa tiyan niya. At mukhang nahulog siya sa hagdanan.

Hindi ko maiwasang maiyak. Wala na si Carl.

"Nag umpisa nanaman." mahinang sabi ni Athena.

Lahat kami ay umupo muna sa sala. Tinago nila ang katawan ni Carl. Lahat kami ay takot na takot.

Nag sisimula nanaman. Pumapatay nanaman. Ayoko na. Gusto ko ng umuwi.

Pero konti nalang din naman. 5 days nalang makakauwi na kami.

"Guys, kailangan na nating mag laro ng Hide and Seek! Ayokong maubos tayo!" sigaw ni Leigh at tumango naman kami.

At ang taya namin? Siyempre si Leigh.

Ako, Si Zion, Aubrey, Prince, Joshua, Liza. Mag kakasama kaming nagtago sa 3rd floor.

Nagulat nalang kami ng makarinig kami ng putok ng baril.

D*mn.

"Guys, lumalabas na yung killer." -Zion.

Natatakot na ko. Ayoko ng mamatay. Tama ba tong ginagawa namin?

Yumakap ako kay Zion.

"Zion, natatakot na ko." sabi ko.

"Shh, ligtas tayo." sabi niya.

Nakaramdam kami ng usok. Matinding usok. Lahat kami ay napaubo sa usok. At unti unti nalang dumilim ang lahat.

_____________

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Shit anong nangyari?

Tatayo na sana ako ng maramdaman kong nakaupo ako sa isang silya at nakatali ang kamay at paa ko.

Shit pano na to?

Tumingin ako sa paligid. Wala ng usok. Pero napakadilim parin.

"Nasaan silang lahat?" boses ng lalaki.

"Yung iba nandiyan sa kabilang room." boses naman ng isang babae.

"Lahat sila nakatali?"

"Oo. Wala silang malay lahat."

Nang marinig kong papalapit na sila sa pintuan nang kwarto ay agad akong pumikit.

Kunwari wala pa kong malay.

At agad rin namang umalis yung dalawa.

Nakahinga ako ng maluwag ng nakita kong binuksan yung ilaw.

Napatingin ako sa gilid ko. Omg.

Si Zion at lahat ng kasama ko kanina ay nakatali rin katulad ko.

"Zion! Zion!" mahinang sabi ko.

Hide and Seek Where stories live. Discover now