"Aaahhh!!!" nagulat ako nang magising ako nasa dagat ako-_- walanghiya talaga yung dalawang yun!
"WALANGHIYA KAYO PAG AKO TALAGA NAGTAGUMPAY DITO!!!!!!!HUMANDA KAYO SA AKIN!!! MGA MANYAK KAYO!!!!!!" Tss! Pano ba naman hindi ko masasabi yun?! nagising lang naman ako sa dagat kaya medyo nalunod ako at marami rami din akong nainom na tubig at.............ang masaklap pa dito ay wala akong damit.Oo!nakahubad ako!buti na lamang at gabi na iyon nang nangyari iyon.
At ang malala pa dito ay kalsada ang katabi ng dagat na pinakakalagyan ko.
"Teka! kaluluwa yun ah!" napangiti na lamang ako nang makita ko muli ang batang binigyan ko dati ng pagkain at Oo!tadhana nga naman dito pala siya namatay!Tutulungan naman ako nito diba??
"Bata!" agad siyang lumapit sa akin.
"Hindi mo ba ako naaalala?" wala tong utang na loob ah!nakatitig lang sa akin at hindi man lang nagsasalita.
"Oo!tama ako nga yung nagabot sayo ng pagkain nung mga unang linggo mo pa lamang bilang ligaw na kaluluwa!" nakangiti kong sinabi na may panggigigil pero wala pa din ginawa ang bata kung hindi titigan ako.
"Teka Mamang!mukhang baliw ata ang isang yan! Nagsasalita magisa...." napalingon ako at hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at ayun pagtingin ko mukhang magina na may dala dalang lampara .Haaay salamat!
" Nay!wag mo lapitan yan!tignan mo kung mayroong buntot!ahh!" sabi ba naman ng bata... mukha ba akong bangus para magkabuntot?
"Hija,anong ginagawa mo diyan?"nagulat ako nang sinabi niya iyon.Hindi siya natatakot!!!
"Ako si Cass" nakangiti kong sinabi sa kanya at doon ako higit na natuwa...Nakasanayan ko kasi na 'Ako' lang ang nasasabi ko sa mga tao pag gusto kong magpakilala di natatapos kasi kung hindi sila tatakbo ay sisigaw sila na kita na ata lalamunan.
"Ah ganun ba?" tanong ng matanda sa akin habang nakatingin lamang sa akin.Maamo ang mga mata niya at mukhang mapagkakatiwalaan.
"Nakikita niyo po ba ako?" tanong ko sa kaniya habang nakangiti dahil hindi ko na talaga mapigilan ang kasiyahan na nararandaman ko.Teka!naalala ko tuloy ang isang eksena ng The Little Mermaid( na laging pinapapanood ng mga bata sa dati kong tinutuluyan na preschool) sa kinalalagyan ko ngayon ngunit nakalubog lamang ang katawan ko dahil wala nga akong saplot at nahihiya ako.
"Mamang!layuan mo na iyan!sabi ko sayo baliw yan eh!" aba kapal ng mukha nito ah!Kapag masaya baliw agad?!
"Hay nako!kumuha ka na nga muna ng kumot sa bangka!" at ayun pagkasabi ng matanda ay kinuha agad ito ng anak niya.Kumot sa bangka?ang weird ah...sa bangka may kumot....
"Ito hija isaplot mo muna...sumama ka sa amin sa bahay at pahihiramin ka namin ng damit." nagulat ako kasi napakabait ng matanda sa akin.... itong mga araw kasi yung mga matatandang nakakabangga ko mga ano eh...Ewan ko!
BINABASA MO ANG
Undestined
HumorAng sabi nila kapag nakatadhana na daw ang isang bagay wala ka nang magagawa.......pero nasa iyo ang desisyon kung iiwasan mo ito o haharapin mo na lamang ang mga maaring mangyari Wala akong pakialam sa hinaharap na nagaabang sa akin pero ipangako m...