▷▶CHAPTER 3♬♪

139 7 0
                                    

Ayun nga nakita ko siya sa may pader nakasandal.


Pero Angel of Death nga diba dapat may pakpak...Asan ung pakpak??Di kaya naiipit yun dahil nakasandal siya .


Ano ba tong iniisip ko!kailangan ko nang lumayo...


Mga apat na taon na din ata akong nagtatago sa kanila ni grim reaper eh...Pano ko nasabing apat na  taon??ewan ko naaala ko lang bagong taon kaya ayun!apat na bagong taon na akong pagala-gala dito.


Syempre kahit naman kung ano-ano paghihirap at kababalaghan ang kinaharap at natunghayan ko bilang ligaw na kaluluwa....Ayoko pa talaga magpasundo.Natatakot ako....


Dahan-dahan akong nausad palayo.Bat ba nakatingin pa din tong Angel of Death na toh?!


Tatakbo na  ba 'ko??kasi kung balak niya akong sunduin kanina pa niya ginawa.Ewan ko nakaramdam ako na wala namang mangyayaring masama.Ano ba sasabihin ko??hmmm...


"Kaano-ano mo si Devi l Jin sa tekken?" wala eh kahit ako nagulat ako sa sinabi ko.Wala na akong maisip eh.Yung bahay kasing tinuluyan ko may mga bata dati kaya ayun...Malay mo magkamaganak sila pa autograph ako.


"Devil Jin?" natawa niyang sabi Nagulat ako nagsasalita pala sila/


"Mukha ba akong demonyo?" tanong niya sa akin pero mukhang maganda ang mood nito ngayon ibang iba sa itsura niya kapag sumusundo ng kaluluwa..kaluluwa??!nakalimutan ko kaluluwa nga pala ako at ito kasama ko ang isang Angel of Death sa harapan ko na sa isang iglap pwede na 'kong mapunta at masunod sa impyerno.


"Malayo ako sa demonyo noh!" nagulat ako biglang nagsalita ulit.Di ko talaga inaasahan eh.Mukha atang affected siya dun sa Devil Jin eh..alam ko naman na siya ang Angel of Death..yaan mo siya malagas sana ang feathers ng pakpak niya sa kakaisip sa sinabi ko.


"Hindi mo ko kilala?" syempre ito talagang Devil Jin na Angel of Death na toh nakakagulat kasi..biglang titigil magsalita tapos magsasalita ulit pero natatawa na talaga sa mukha niya kasi parang bothered siya dun sa sinabi ko eh.


"Sikat ka ba ?" paunti-unti akong umaatras para syempre makatakas kasi habang kinakausap ko siya pakiramdam ko sinasaksak ko ang sarili ko paunti unti.Oo,sabi ko kanina walang angyayaring masama pero nagbago na isip ko mahirap magtiwala..


"Aaaaaaahhhh!" nagulat ako kasi kakaatras ko nakalayo ako sa DJNAD (Devil Jin na Angel of Death) na yun! kaso yung nakaporma na yung mga paa ko sa pagharipas....paglingon na paglingon ko ayun andun si DJNAD.


"OH!hii nice to meet you in such a nice place" yan ewan ko yan na ata huling salita ko bilang isang ligaw na kaluluwa bago masunog sa impyerno atleast English kahit paano nagmumukha akong desente.


"Hindi kita susunduin." nagulat ako sa sinabi niya nanlaki talaga mga mata ko  pero seryoso siya ngayon ko lang nalaman na nagbibigay siya ng chance na makawala ang mga ligaw na kaluluwa.


"Seryoso ka?" nakangiti ako nun pero pilit...mamaya bigla ako nun sakalin at dalin sa impyerno para masunog......


"Tadhana" nagtaka talaga ako dun sa sinabi niya tadhana daw trip ata ako  nito eh bunutin ko kaya feathers ng pakpak niya.Tsk! binabawian ata yung DJNAD ko kanina eh.


"HOY!WALANG HIYA KANG DEVIL JIN NA ANGEL OF DEATH KA!!!KUNIN MO NA KALULUWA KO!!SANA MALAGAS LAHAT NG FEATHERs NG PAKPAK MO!KAYA SANA MAGING KULAY PINK YAN!HAH....."nakapusan ako ng hininga dun ah sabagay ok yun! maangas ko naman nasabi.yesss!!pero mukhang masusunog na ako bilang isang kaluluwa.


"Ano sinasabi mo?" nagtataka siyang nagtanong pero walang emosyon.


"TADHANA KA PA DIYAN!NAKAKABWISET KA!!MAKATAO PA BA YANG GINAGAWA MO?!!PINAGLALARUAN MO KO!!SINUSUMPA KITA!!!PAG AKO TALAGA NAREINCARNATE!!!"  


"Makatao?sinong niloloko mo?una sa lahat,hindi ka tao..nakalimutan mo ba?" sabi niya sakin habang nakatingin at ako nakakunot ang noo dahil naiinis na talaga ako.Sino ba naman matutuwa sa sinabi niya? minamaliit niya ako bilang isang ligaw na kaluluwa.Kakainis talaga!


"Aah!" sigaw niya dahil di ako nakapagpigil nagagalit na talaga ako eh.....binunot ko feather ng pakpak niya.Dalawa ata nabunot ko so feathers..hahhah! tapos haripas ng takbo.


"Peace" sinabi ko tska ako nagpeace sign at ngumiti


"Aaaah!" bigla niya akong binibit sa leeg paitaas...hindi na ako makapagsalita nun kaya aaah nalang ang nasabi ko napakahigpit ng pagkasakal niya sa akin walang hiya kasi siya pikon naman pala.

"eeheeeeeehheee!!" ayun napahawak ako sa leeg ko at napaubo na lamang bigla kasi binitawan ni Angel of Death yung pag kakasakal niya sa akin at ang maganda pa dun nalaglag ako at napaupo dahil sinakal niya ako yung tipong para akong nalipad dahil narandaman ko na unti unting nawala sa pagkaapak ang mga paa ko sa sahig.Napalingon na lamang ako sa kanya nagulat ako  dahil nakita ko nanlilisik ang mga mata niya at lumabas na ang itim niyang pakpak.


"Tadhana nalang ang magdidikta ng lahat." yan na naman sa tadhana tadhana na yan eh pero...di nalang ako magsasalita baka matuluyan ako.


"Hindi kita susunduin ngayon pero ito ang tatandaan mo..." tandaan ko daw eh yun nga problema ko di ko nga maalala past life ko eh....


"Ikaw si Cass?" kilala pala ako nitong asungot na toh.Sikat ako?tumungo naman ako.


"Ikaw palang yung kaluluwa na walang alalala ni pangalan niya." kilala niya nga ako!!!!Baka pede niya akong tulungan!


"Tulungan mo ko alamin ang nakaraan ko." pagdating talaga sa usapan tungkol sa nakaraan ko nagiging sensitibo ako dahil gusto ko malaman kung sino at paano ako namuhay dati.


"Pag nagtagpo muli ang mga landas natin hindi na kita hahayaan..."pagkasambit niya ng mismong mga salitang iyon agad pumagaspas ang mga itim na pakpak nito at ako ay naiwan sa madilim na lugar na napayuko na lamang dahil tila wala na talagang pagasa na malaman ang aking nakaraan...

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~~°~~°~°~°~°~°~~°~°~°~°~°~°~°~°~


magcomment kayo wag kayo mahiya hahah kung FEELING niyo cute kayo comment kayo cute ako hahah dejk

vote?^_^

comment?+_+

follow:)

UndestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon