Naalala Ko Na

862 23 17
                                    

Ako'y isang babaeng nasaktan, nasasaktan, at nasasaktan ng paulit-ulit.
Sa pag-ibig na inaasam kong aking makakamit.
Mga alaala ng lumipas, sa puso't isipa'y siyang nakaukit.
Mahal, naaalala mo pa ba ang mga katagang binigkas mo na sana ay maging tayong dalawa?
Mahal, naaalala mo pa ba ang sinabi mong ako lang at wala ng iba?
Mahal, naaalala mo pa ba na sabi mo sa huli ikaw at ako lang sinta?
Eh mahal ang mga pangako mong sintamis ng asukal, naaalala mo pa ba?
Kasi ako mahal? Naaalala ko pa.
Naaalala ko pa kung paano ako napakilig ng mga salita mong sana ay maging tayong dalawa.
Naaalala ko pa kung paano ako umasa na ako lang at wala ng iba.
Naaalala ko pa kung paano ako naniwala na sa huli ikaw at ako lang sinta.
At oo, naaalala ko pa kung paano ako natakam ng mga pangako mong sintamis na nga ng asukal.
Mahal sumang-ayon ako sa sinabi mong tayo na,
pero send to many naman pala.
Mahal naniwala ako na ako lang at wala ng iba,
pero ako'y pangalawa lang pala.
Mahal umasa ako na sa huli ikaw at ako lang sinta,
pero nawala kang parang bula.
At mahal ka-sintamis na nga ng asukal ang mga pangako mo,
ngunit natunaw na lang bigla.
Pinakilig, pinaniwala, pinaasa at pinatakam mo ako sa isang bagay na puro pagpapanggap at walang katotohanan.
Binigyan mo ako ng karapatan ngunit binawi mo din ng makilala mo siya.
Akala ko na ang mga luhang pumatak sa mata ko ay dahil sa iyong pagpapakilig.
Napaluha mo ako ng sinabi mo ang mga katagang "I WANT YOU TO BE MINE AND MINE ALONE" sabay halik sa aking noo.
Pero ang pagluha ko palang iyon ang siya ding simula ng pagluha ko araw-araw.
Na sa araw-araw na ginawa ng Poong may kapal,
wala akong ginawa kundi ang maghinagpis.
Maghinagpis sa mga kilos mong unti-unting nanlalamig.
Kasing lamig ng katotohanang ikaw sa akin ay nawawala na.
Gaya ng unti-unting pagkawala ng damdamin mo sakin.
Lumipas ang mga araw, lingo at buwan.
Wala akong ibang ginawa kundi ang lumaban.
Sa isang labanan na wala akong kalaban laban.
Ang tanging sandatang dala ko ay pagmamahal sa iyong giliw.
Ngunit sa gitna ng paglaban ko,
ako ay napatigil at natulalang bigla.
Napaisip ng malalim na sa kabila ng paglaban ko,
sa huli talo pa rin ako.
Natalo ako sa kadahilanang hindi na ako ang mahal mo.
Ako ay tumigil at nagmasid.
Tumitig sa mga palad niyong magkadaupang mahigpit.
Mga ningning ng iyong mata tuwing sa kanya ika'y tititig.
Mga haplos mong may pagmamahal sa bago mong minamahal.
Mga pag-aalala, paglalambing, pagpapahalaga na aking pinaka aasam-asam;
ay sa kanya mo napiling iparamdam.
Bakit pagdating sayo lahat ay aking naaalala?
Masakit, masarap, malungkot at masaya;
lahat ay akin pang nagugunita.
Ngunit may isang bagay pala akong nalimutan.
At yun ay ang sarili kong kahalagahan.
Na unti-unting nawala ng ika'y aking hawakan.
Kaya ngayon mahal sa pagtatapos ng ating kabanata,
ay nais kitang pasalamatan.
Salamat sa pagpapakilig.
Salamat sa pagpapaasa.
Salamat sa pagpapaniwala.
At salamat sa matatamis mong salita,
Na bumihag sa aking murang kaisipan.
At ngayong napagtanto ko na,
kung ano ang naging pagkakamali ko.
Nais kong ipabatid sayo.
Na natauhan na ako.
Dahil ngayon ay NAALALA KO NA.
Ang sarili kong kahalagahan.
Upang makaahon ang pusong nasadlak sa iyong alaala.
At nang sa susunod na pag-ibig,
ay di na muling masaktan pa.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon