Chapter 51: Just wanna know your name/Confession

37 7 0
                                    

Nagising na lang ako ng may narinig akong ingay sa loob ng detention room. Pagmulat ko nakita ko yung babaeng ikinagalit ng aso sa akin kanina at kausap nya ang PD namin. Nakatulog pala ako at hindi ko man lang namalayang dumating sila.

“  You heard me. Kapag hindi mo ako sinunod isusumbong kita kay daddy at para paalisin ka nya sa school namin. “ –girl

“ but maam we have rules here in our school and we have to follow that rule at any rate” –Mr. Sanchez

“ Hindi mo ba ako kilala?”

“ maam alam ko po kung sino ka. Ikaw lang naman po ang nag iisang anak ni Mr. and Mrs. Piedad. But maam—“ magsasalita pa sana sya pero pinutol nung babaeng maingay ang sinasabi nya. Problema ng mga toh? Pero buti nalang at dumating sila. Kasi kung hindi dahil sa ingay nila. Mas magtatagal pa ako sa panaginip ko na iyon. No, its not just a dream but a past. Pero sana wag ng maibalik pa. Ayokong may makaalam pa nun at makaabot pa kay Shane ang lahat.

“ yun  naman pala eh. Ano pang inaarte mo dyan? Ba’t hindi mo nalang gawin ang pinag uutos ko? “ mataray na sabi nung babae. Grabe tong babaeng to ah. Kung ganun anak pala sya ng may ari ng school na to? But how come? Ang alam ko ang tanging anak lang ng may ari ng school na to ay si Diane and no one else. Atsaka hindi  Piedad  ang pangalan  ng nagmamay ari nito kung hindi Jaranilla.

Bumuntong hininga si Mr.PD at tapos ay dahan dahang lumapit sa akin.

“ Oh. Sige na. You can now go. “ sabi nya tapos ay binuksan ang pintuan.

“ ha, bakit? dba - -”

“wag ka ng magtanong. Magpasalamat ka nalang sa babaeng yan” nakasimangot nyang sagot. Hindi ko nalang sya pinansin, kinuha ko nalang yung bag ko saka umalis na. At di ko malamang dahilan, naramdaman kong sumusunod sa likuran ko yung maingay na babae kanina.

“teka sandali! “ Huminto ako at bumangga siya sa likuran ko.

“ aray ko naman! Bat ka naman tumigil?” she mouted habang hawak hawak ang ilong nya.

“sabi mo sandali.Tapos ngayon hihinto ako magagalit ka?”

“yun na nga. Sabi ko nga- -“

“ano bang kaylangan mo?”  sabi ko sabay lakad ulit. Wala akong panahon sa babaeng to. At isa pa may oras pa naman na natitira para pumasok ako sa last subject ko which is p.e. Gusto kong pumasok klasmate ko kasi si Lyra sa p.e at may importanteng sasabihin ako sa kanya.

“ eh.  Ano kasi. .”  sumusunod parin sya sa akin

“ . . . . . “ –ako

Huminto ako sa paglalakad at hinarap ko sya. Nakita ko pa nga siyang nagulat dahil lumapit ako sa kanya.

“ Kung inaakala mong magpapasalamat ako sayo dahil sa ginawa mo. Wag ka ng umasa”  tinalikuran ko sya.

“ hindi naman yun eh. “ nahihiyang sagot nya

“ ano? “

“ ah-eh. . .”

“ kung wala ka ng sasabihin aalis na ako at kung pwede lang wag mo na akong susundan” nagstart na akong maglakad. Naiwan sya don. Hindi ko na sya pinapansin pero napahinto ako ng bigla syang nagsalita.

“ Gusto ko lang naman malaman kung anong name mo eh.  Yun lang “ sabi nya ng pabulong pero dinig ko naman.

“ Ricky” sagot ko ng hindi parin sya hinaharap

“ha??”

 This time, tumalikod ulit ako at hinarap siya. Sinabit ko ang backpack bag ko in my right shoulder saka nagsalita.

“gusto mong malaman ang pangalan ko hindi ba? Yun nay un. Happy?” at nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya. Problema ang babaing yun. Dahil sa kanya kaya napa away ako. Hmmm . Ka gandahan naman sya. Pero hindi sya uubra sa ganda ng bestfriend ko. Iiwanan ko nalang sya shes just a bother on me. And speaking of my bestfriend, sana bumalik na kaagad sya. Inaamin ko kahit madalas kaming mag away nun, namimis ko sya. Dba nga mahal ko sya? But I used to hide my feelings for her para sa pagkakaibigan namin. Where I know we can stay as long as were doing good at each other. But now, ayoko ng magpakatorpe pa. Susubukan ko ng magtapat sa kanya. Nga pala, nasa America sya ngayon, I don’t know for what matter pero sabi nya ay babalik din naman daw sya agad after two weeks. Kaya di na ako nag alala pa. Namiss ko lang talaga sya.

Dumiretso na ako ng gym kasi dito kami madalas kung mag p.e sakto naman pagkadating ko dun, nakita ko si Lyra nagsusuot ng sapatos nya kaya nilapitan ko na sya.

“ Lyra pwede ba tayong mag usap? “ seryosong tanong ko pagkaharap nya sa akin

“ bakla! Ang seryoso mo ngayon ahh! Atsaka. What happened to Rikka’s voice that we know?” pang aasar nya. Argh! I know its not new in me na tawaging bakla kasi nga I used to it at kinilala na nila akong ganun. But, this moment it sounds like, its so shame! Shit! Ano bang ginawa ko sa sarili ko?! KADIRI!

Hindi muna ako nagsalita pa. Naiinis talaga ako sa sarili ko. Bat ngayon ko lang narealize ang mga pinag gagawa ko!?! Amp! Pota naman!

Hinila ko sya paalis dun at dinala sa hindi mataong lugar. I need to talk to her.

“ Teka, bakit mo naman ako dinala rito?” tanong nya at halatang nagtataka ng bitawan ko na kamay nya .

“ I have someth—“

“ Wow ! Rickka! You look good on your hair! Mas bagay pala sayo ang plain black! “ papuri nya. Tsk! Bastos naman nitong babaeng to. Hindi man lang ako pinatapos. At ano raw Rikka?! FUCK! Pero, teka tungkol dun sa hair ko, bagay ba tlaga pag black? Fvck! Whats this Im damn thinking isa pa yan ee! Shit!

Nasuklay ko nalang ang buhok ko gamit ang kaliwang kamay ko dahil sa inis. Hindi ko matanggap na all this days I have been this kind of  a shit!

“ Listen. “

“Lyra making ka. Una, stop calling me Rikka, okay? Pangalaw - -“

“ KYAAAA!!! “ bastos talaga ng babaeng to. Ang hilig talaga nyang mamutol ng mga lines. -___-

“ IT’S A MIRACLE! Anong kinain mo kaninang umaga bayeeet?! O baka naman hindi ka kumain? Ininom mo ba gamut mo? Te- teka ano yang nangyaya blah blah blah! “ grabe ang ingay nya! Tinawag pa nya akong bayeet!? Halikan ko to eh! Siyete talaga!

“  Argh! I have no time for this! “ hinawakan ko sya sa magkabilang braso nya. Nagulat ata sya dahil napalakas ang pagkahawak ko sa kanya, talagang asar na ako.

“ didiretsohin na kita. *take a deep breath* kailangan ko ang tulong mo” Tinitigan ko sya sa mata. Buti naman at tumahimik na sya.

“ ah-eh. What?? Ano??  Ahh.  I mean . . anong klaseng tulong? ?  Anong magagawa ko?”

“ kasi”

“ah! Alam ko na! may bagong boylet ka na nman ano? At magpapatulong ka sa akn para makuha mo sya? ^_____^ “ argh! Shit!  Here she is again!

“ FUCK! !  JUST LISTEN! ! “ ayan napasigaw tuloy ako.  Nagulat ko ata sya at napatulala nalang sya.

“ I need your help. Maybe you’re near to it. But Its not a boy anymore, *Shit!* .” huminga ako ng malalim. Kailangan kong magrelax at kumalma. Hindi pwedeng magpadala sa inis ko sa sarili ko.

Kinakabahan ako pero kailangan kong sabihin sa kanya. Ayoko ng maging duwag at makontento nalang sa kung ano mang meron kami ni Shane ngayon. Bahala na, alam ko magugulat ko sya sa sasabihin kong to.

“ I need your help..

 GU- - - GUS

*breath in* breath out *

 Gusto kong ligawan si Shane”

Ako si Z (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon