Chapter 54: Armour in the night.

39 8 0
                                    

Lyra’s Pov

Nasa bahay na ako, naligo na ako tapos ay bumaba na para kumain ng merrienda. Tinamad akong magluto kaya nagpadeliver na lang ako ng pizza. It’s still early before gumabi pero kailangan ko ng mag aral ng maaga. Malapit na rin kasi ang first exam namin. If you’re asking me kung anong pinag usapan namin ni Ricky about dun sa plano nyang panliligaw kay Shane, well, hindi ko na lang sasabihin malalaman nyo rin yun. And I assure you to be surpize! Yea, even I, I cant still fully imagine what the hell-a things happened and how in the earth that a gay like him has a deep secret, a reason.

*ding dong*

Malamang yung inorder ko na pizza na yun. Lumabas ako para buksan ang pinto at hindi nga ako nagkamali. Kumain lang ako, syempre na mag isa.  Pagkatapos kong kumain dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko para mag aral. Medyo mahirap din tong lessons namin. Habang seryoso ako sa pag aaral ko napatigil nalang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, malamang may tumatawag.

Hinanap ko cp ko pero wala sa bulsa ko at hinanap ko naman sa bag ko at andun nga sya.

Tumigil na ito sa pag ring nang mahawakan ko.  Binasa ko yung screen at nakita ko kung sino yung tumawag.

1 missed call From:

Z sungit  5:45pm

Ano kaya kailangan nya at napatawag sya? Speaking of him, hindi ko nga pala sya nakita kanina. Hindi naman kasi kami magkaklase atsaka hindi ko rin sya mapupuntahan kanina kasi hindi ko naman alam kung saan yung room nya. Pero, ba’t ko naman sya pupuntahan, wala naman siguro akong kailangan sa kanya at importanteng dahilan para hanapin sya.  Ilalapag ko nalang sana ulit yung phone ng bigla na lang itong mag ring ulit. Ibang ringing tone, this one is not a call but a message.

I opened it and it was from him.

From :Z sungit

    Saan ka ba nag susuot kanina? Hindi ka man lang nagpakita sa akin ni txt hindi mo ginawa.

Teka, hinahanap nya ba ako kanina? Pero bakit naman nya ako hahanapin. Atsaka, hehe, hindi ko naman talaga sya nakalimutang itext kanina eh. Wala lang talaga akong load , tinext ko sya pero hindi nga lang na sent.

Tanong nyo ano yung sinasabi kong tinext ko sa kanya?  Wala lang. Aasarin ko lang sana sya about dun kay chucky, HAHA! Bored kasi ako kanina sa school tapos inopen pa nung classmate naminyung topic about kay chucky doll kaya ayun! HAHA! Trip ko syang asarin. Malas, nga lang at hindi na send.

Syempre kasi nga wala akong load. Wala akong pagkakataong mang asar sa gangster na pasiga siga pero ang bakla bakla naman pagdating kay chucky. Hindi ko sya nareplyan, wala ngang load dba? Saka ayoko munang gumastos ngayon.  Aksaya lang sa pera. Kawawa na nga si piggy bank ko eh kasi hindi ko na napapakain sa dami ng bayarin ko. Well, ganito talaga siguro pag nag iisa ka nalang.

 : (

Pagkatapos kong kumain umorder ulit ako ng pizza para kumain. Hindi ako PG ah, nakakagutom lang kaya mag aral. Matutulog nasana ako nang mag txt uli sya sa akin.

From :  Z sungit

            Bakit hindi ka nagrereply?  Okay ka lang ba dyan? Asap

Hindi din sya makulit noh? Hindi ko nalang ulit pinansin mga txt nya pero hanggang sa umabot ng hatinggabi ayaw nya parin akong tantanan. I opened my phone and I saw 56 messages and71 missed calls  lang naman and it was all from him. Pero iisa lang naman ang laman.

Z sungit:

             Bhai, ayos ka lang ba dyan? Hindi ka nagrereply, nag aalala na ako.

Ako si Z (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon