Chapter 34: Not this time!

66 15 0
                                    

Emcy's POV

Katatapos lang namin magshopping with mom and dad ^___^.  Sobrang nag enjoy nga ako eh. Bukod kasi sa sandamakmak ang pinamili nila mommy para sa akin nagkaroon pa ulit ako ng pagkakataong makasama ang mama at papa ko.

Ang bait talaga ni God.NAgalit man kasi ako sa kanya dahil sa dinami rami pa kasi ng tao sa mundo ee ako pa ang binigyan nya ng ganitong klaseng sakit. Kakaibang sakit.

But after all, masayo ako at panandalian lang pala ang sakit na yun. KUMBAGA challenges lang.^__^. Siguro sinusubukan lang ni God kung gaano talaga ako katatag, pati narin ang mga taong nagmamahal sa akin, kung isusuko ko ba sila dahil sa sakit kong to o hindi. 

Masayang masaya talaga ako ngayonga araw na ito. 1  more or half month nalang raw at maidedeklara na ni dok na free na ako sa sakit ko, bukod dun, nakasama ko pa ang mama at papa ko na talagang bihira at minsan lang talaga kung mangyari.

Isa nalang. . .

Isa nalang ang kulang at magiging kompleto na ulit ako. Si Z, gusto kong makita si Z. Namimis ko na ng sobra ang bebs ko. Hindi na ako makakapag hintay pa ng matagal. 2 months narin simula nung huli ko syang nakita. 2 months parin at naaalala ko pa ang araw na iniwan ko syang mag isa. Labag sa loob ko ang ginawang pag iwan sa kanya nun pero kailangan kasi ayokong malaman nya, ayokong maawa sya sa akin dahil masasaktan lang sya. 

Alam ko na nasaktan ko siya dahil sa pagkawala ko ng walang paalam. Alam ko at ramdam ko, ilang gabi din syang hindi nakatulog kakaisip at kakahanap sa akin. Hindi sya tumigil sa paghahanap, kaya hindi rin ako tumigil sa pagtatago.

Umiyak kaya sya?

Dati nakikita ko pa sya habang hinahanap nya ako sa bahay namin at katulong lang ang humaharap sa kanya at ako naman nagtatago at pinakikinggan lang kung paano sya sumigaw habang galit na sinisigaw ang pangalan ko na lumabas na. Pero ngayon parang hindi na sya bumalik pa samin.

Hinahanap parin ba kaya nya ako?

Oo tama, alam ko mahal nya ako at maiintindihan nya kung bakit ko ito ginagawa, alam kong maiintindihan nya rin kung bakit ko sya iniiwasan.

Ayaw ko lang naman syang masaktan ee. Ayoko syang mag alala kaya umiwas ako sa kanya, maiintindihan nya rin naman ako hindi ba? At sa mga araw na ito, hindi ko na kailangang magtago pa. Hindi na ako matatakot na harapin siya. Mawawala na yung sakit ko, di ko na sya masasaktan pa,

I grabbed my phone out of my pocket, I inserted a new sim na kabibili ko lang kanina. Kumuha ako ng papel sa bulsa ko kung saan may copy ng number nya and then I started dialling.

" Mama, excuse lang po sandali. Papa" ngumit lang si mama sa akin saka nag nod at ganun din si papa. 

" Sure hija. Take time" dumistansya ako palayo ng konte sa kanila. Tama lang para hindi nila ako masyadong marinig.

" Hello? " Ricky said in the other line.

" Ricky? . . Ricky si Emcy to. ." medyo kalmado kong sabi pero talagang hindi na ako makapaghintay na ibalita sa kanya ang tungkol sa paggaling ko.

" O emcy. . napatawag ka friend? New number? How's your check-up today? Ikaw, kamusta ka na? Sorry friend ha di ka na namin madalas nadadalaw busy kasi sa school eh, alam mo naman Intrams" ano ba yan and dami ng tanong nya.PSH


" Heto. . .OK na. . Sabi nga nung doctor confirmation nalang ang kukulangin at free patient na raw ako ee. Kasama ko sina mama at papa dito ngayon sa mall katatapos lang namin mag shopping. Binabalak ko sanang kausapin na si Z pero wala naman akong number nya. " 

Ako si Z (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon