Chapter 52: Sun's tragic past/ Protective sister

43 7 0
                                    

Lyra's PoV

“I need your help.. gusto kong ligawan si Shane”  Seryosong sambit sa akin ni Ricky. Teka, totoo ba to? Talagang talaga?! OHMY!

“Are you out of your mind?? “ hindi sa tutol ako but nakakagulat lang talaga. Akala ko biro lang ang lahat ng mga pang aasar ni Ricky kay Shane kapag binabantaan nya ito na hahalikan nya. Talaga bang may gusto sya sa bestfriend namin?

“ OO, seryoso na ako rito. Matagal ko na syang gusto simula pa nung hindi pa ako gan- - amp! Basta! Mahabang kwento!  Basta! Matagal ko na syang gusto at ang totoo tinatago ko lang talaga feelings ko sa kanya dahil ayaw kong masira ang anumang meron kami ngayon”

“Per-pero, mahirap yang gusto mo. Alam mo naman na-“ pinutol nya yung sasabihin ko

“Na naging BAKLA AKO?! Fuck!, Lyra makinig ka, all of those things are such a bad mess and a fuckn mistake! Ginawa ko lang yun kasi may tinatago akong katotohanan sa kanya.To protect the relationship that we have!  Shit! Sige na nga! Sasabihin ko na! total andito na to! Pero promise me tutulungan mo akong mapa ‘oo’ ko sya at magustuhan nya rin  ako.”  Ang seryoso ng mukha nya. Iba na ang tono ng boses nya. Naaalala ko tuloy ang dating Ricky Morino, ang lalakeng Ricky dati. Lalaki sya ngayon kung magsalita. Sabagay lalaki naman talaga syang tignan kahit pa nung ambakla bakla nya.

Ewan at dahil nga sa schock pa ako sa kakaibang Ricky ngayon napapayag nya ako.

“si-sige.  “  Tama. Tutulungan ko sya, sabagay kaibigan ko din naman sya at dati pa naman akong boto sa kanilang dalawa ^___^ .

Ano kaya ang nakain ng baklang ito at biglang nagbago?

Kung ganun magkakaroon narin sila ng story? Ang saya neto ^__-

“talaga??! YES! *bumuntong hininga sya* Thanks, Thanks! “ tapos niyakap nya ako. Grabe ngayon ko lang nasabi sa sarili ko na ang gwapo nya para maging bakla. Sanay akong mayakap nya lalo na pag naggru-group hug kami pero ngayon parang naiilang ako ng konte. Siyempre, knowing that he is now in his self, as a real man. Pero hep hep! Wala akong intensyong magkagusto sa kanya ha! Sapat na yung nagwagwapuhan ako sa kanya at kay bestfriend ko dapat lang sya.

Bumitaw na sya sa pagkakayakap nya saken.  Nakita kong ang saya ng mga mata nya.Nginitian nya pa ako. His eyes. . Mga matang hindi ko kailan man nakita kay Ricky-the-gay. Malamang, gaya ng sabi nya talaga nga sigurong napilitan lang sya na mag convert, and his eyes now proves it. Pero bakit? Ano yung sinasabi nya na tinatago nya? Yung sekretong ayaw nyang malaman ni Shane?

“ Salamat Lyra. Bestfriend talaga kita” may malaking ngiti na nakaukit sa mukha nya pagkasabi nya nun.

“ Sige payag na akong tulungan ka. Pero curious lang. Ano ba yung sinasabi mong katotohanang ayaw mong malaman nya? “ tanong ko at natahimik naman sya bigla. Nawala na yung tuwa sa mga mata nya. Parang ang lalim nga siguro ng sikreto nya, ayan tuloy pati ako natatakot ng malaman kung ano yun. Sana man lang hindi yan masyadong malala at makakapagdulot ng malaking problema. Gusto kong magkatuluyan sila. At ayokong masira ang friendship namin.

“ Its about years ago.. .” simula nya.

Shane’s Pov

 a/n : Please po. Sa mga lines ni Sun. Kapag nagtatagalog po sya basahin nyo po ng pa slung. Para mas masaya ^___^

“ Ano ba naman yan Sun! mali na naman! Ulitin mo ulit yan!”

“Ate naman eh. It looks good nemen din kaheyt kontey. Why don’t you just taste it before you judge it. “

“ayoko. Titigan ko pa lang nasusuka na ako. Ampangit ng pagkagawa mo dyan! Para ka naming hindi tinuruan na gumawa ng ganyan dun sa school nyo.” Naiinis na ako dito sa kapatid ko. Halos maubus na lahat ng pinamili naming ingredients pero hanggang ngayon  hindi parin nya nabe-bake ng maayos ang ginagawa nya.

Ako si Z (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon