Emcy POV
“Ma, naman ee. Okay na po ako.”
“Hija, wag matigas ang ulo. Pag bumalik yang lagnat mo lagot ka talaga sa akin” Hays si mama talaga. 3 days na nga simula nung nawala ang lagnat ko hanggang ngayon hindi parin ako pinapayagang mag skating. Ee habit ko pa naman yun.
“Maaa, okay na po talaga ako promise. Wag po kayong mag alala di po ako magpapagod” sabi ko na may pa puppy eyes pa talaga. Sana naman umepek.^_^
Huminga ng malalim si mama tapos tumingin sya sa akin then kay Rc.
“Sige, payag na ako basta wag kang gaanong magpapagod, OK? “
“Yes!!! Opo maa! Thank you po! “ sabi ko at niyakap ko ng mahigpit si mama.Sabi ko na nga ba hindi ako kayang tiisin ng mama ko! I lub you mommy! Kumawala si mama sa akin saka sya lumapit kay Rj at nagsalita.“ Rj, please take care of my daughter” may binulong si mama pero hindi ko naman marinig kung ano.
“ Don’t keep your eyes off on her” bulong ulit ni mama and he nodded. Ano kaya pinag uusapan ng dalawang yun?
Rj's POV
“ Rj, please take care of my daughter” bulong ni tita sa akin pagkalapit nya sakin. Ngumiti lang ako as a sign of my answer ,yes. Syempre, hindi ko pababayaan si Emcy no matter what.
“ Don’t keep your eyes off on her” bulong ulit ni tita and I nodded.
Gusto kase talaga ni Emcy na mag skating kami sa park. Ginagawa namen to ni Emcy dati when we are still young at nung hindi pa ako nakapunta ng America. Nag taxi lang kami papuntang park. Nasa park na kame at ang saya saya nya habang nag e-skate sya. Gaya nga ng usapan namin ni tita hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya. Si Emcy, nagkalagnat sya 3 days ago pero ngayon she looks fine. Ang bilis na nyang gumaling at ang sigla na nya parati. And its good for her at nag iimprove na nga sya.
“ Oh. . Dahan dahan lang hindi na kita maabot” sabi ko and I started to move my feet to catch her. Ang galing talaga nyang mag skate. Totoo nyan I was the one who taught her how to skate kaya ayan ang galing galing nya ngayon.
Inaamin ko, bago kami pumunta dito sa America isa lang ang nasa isip ko, and that is to avoid Emcy in meeting Z. I know it was a bad decision pero buo talaga ang loob ko nun na ilayo sya sa boss namin. Gusto ko syang makasama ng hindi nya iniisip si Z. I want to be with her na kaming dalawa lang. Pero ngayong nagkakatuparan na ang plano ko sa kanya, bakit parang hindi ata ako masaya?
“ Habulin mo ko! “ she said and then she turn left.
“ Uy, wag masyadong mabilis. .” I said tapos ay hinabol ko sya at nung makalapit na ako sa kanya hinawakan ko agad sya sa kamay nya.
“ Dahan dahan lang sabi. Pag may nangyari sayo lagot ako sa mama mo” sabi ko pero tinawanan lang nya ako. Psh
Bumitaw sya sa kamay ko tapos ay nagskate ng mas mabilis palayo sa akin.
Pinagmamasdan ko sya habang palayo sya. Tulala ako, pero di ko alam kung bakit. Nung hawakan ko ang kamay nya. . bakit parang . . nung hinawakan ko ang kamay nya at tinignan ko sya sa mukha ibang tao ang nakita ko??
Huminto ako sa pag skate at napahawak sa circle tube. Dahil dun sa nangyari may naalala ako. .
A memory of us na kinalimutan ko nang hindi ko man lang namamalayan at ngayon ay unti unti ng bumabalik sa akin.
*flashback*
“ EEee! Ayoko na. . Im scared. I think I cant do it. Sorry” she said to me yumuko ako tapos ay inalalayan ko syang tumayo.