"Anong kailangan mo sakin?"kalmadong sabi ko.
"Gusto ko lang naman magpaalam na hindi ako makakapanuod ng laro mo mamaya dahil may gagawin ako sa library."anito.
"Ok."maikling sagot ko sakanya.
"Pero bukas dapat nandun ka na."dugtong ko pa. Part of the plan kasi yung panunuod niya sa laro kong lawn tennis. Para sabihin lang na napakasupportive ng GIRLFRIEND ko. As in GIRLFRIEND! EWWWWWW! Hindi ko talaga maimagine na may girlfriend ako ngayon kahit nga ba pretend lang. Parang babaliktad ang sikmura ko.
Ako nga pala si Rafael Llamas, 16 years old studying at prestige school of San Augustine Academy. Star player of lawn tennis. Dahil sa pigiging star player ko, maraming lumalapit sakin na girls and confesses their feelings. I turned them all down. Alam niyo naman, iba ang type ko.
Duh! Eba din kaya ako! Syempre Adan ang hahanapin ko, hindi Eba!
At ang huling babae na nagtapat ng pagibig sakin ay pinagkalat sa buong campus na bading ako. That irritating girl?! Kahit na lalaking lalaki ako hinding hindi ko talaga siya gugustuhin kahit maganda pa siya. Michelle is very spoiled brat. Spoiled brat na nga ang sama pa ng ugali. Tsk! Nagiisang anak kasi ng Mayor sa lugar namin kaya nakukuha niya lahat ng gugustuhin niya. Dahil nireject ko siya kaya pinagkalat niyang bakla ako sa campus. At dahil din sa kanya nalaman ni Geraldine ang sekreto ko.
Haits, ayoko ng isipin kung paano nalaman ng bruhang to ang sekreto ko.Kakastress lamang isipin.
Tiningnan ko mula ulo hanggang paa si Geraldine. Buti na lang itong babaeng to ay maganda. Kahit na mahirap siya ay maganda ang kutis niya at maputi. Hindi mo nga aakalain na mahirap ito eh. Nagkulang nga lang ito sa height. Hanggang kilikili ko lang ata siya. Ang importante ay maipagmamalaki naman siya kahit papano.
"Honey, wag ka masyadong pahalata."bulong niya sakin.
"What do you mean?"kunot noong tanong ko.
"Look at you. Ang arte ng pose mo, mas maarte pa sakin." anito. Nameywang pa ako sakanya .
"Inggit ka lang kasi mas mukhang babae ako sayo." pangiinis ko kaso walang epekto sa babaeng to ang mga pangiinis ko. Tinawanan niya pa ako.
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong bading!
Teen FictionRafael Llamas is rich, smart and girls gather around him all the time. A guy who has liking in girly things like reading pocket books, baking, sewing, decorating and how to put some make up. In short he's a gay at walang nakakaalam sa sekreto niyang...