Chapter 29

344 9 0
                                    

Zinging in the air and I don't have a care.
I'm winging from the zing that we share.
Zinging in the rain.
Now I'm feeling no pain.
It's real, time for celebrating cause you're my zing.





Kanina ko pa naririnig ang ringing tone ng cellphone ko pero tinatamad akong sagutin iyon. Inaantok pa talaga ako dahil sa nangyari kahapon. Kung last friday ay late na akong natulog dahil sa excitement, ngayon naman ay maguumaga na bago ko naipikit ang mga mata ko dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon samin ni Geraldine. Kinikilig pa rin ako. I can't believe that i kiss her last night at hindi man lang siya nagalit. Pero hindi ako sure kung parehas ba kami ng nararamdaman. Kakabuset pa kagabi dahil sa mga fireworks. Hindi ko tuloy narinig ang response niya nung sinabihan ko siya ng I love you. Ayoko namang tanungin siya tungkol dun baka masaktan lang ako sa sagot niya. Naputol ang daloy ng isip ko ng tumunog nanaman ang cellphone ko. Tinatamad na dinampot ko ito.





Sinong bruha ba tong tumatawag sakin? bulong ko sa sarili ko ng makita ko sa screen ng phone ko ay number lang. Kinancel ko tawag niya at binitiwan ito. Matutulog na sana ako ulit ng biglang tumunog ito.




Urgh! Siguraduhin mo lang na importante ka.  naiinis na bulong ko. I opened the text message. Napatayo akong bigla sa higaan ko nang mabasa ko ang text. SI Michelle pala! I forgot may date pala ako ngayon sa babaeng yun. I called her.




"Hello Michelle?!" bati ko ng sagutin niya ang phone niya. Sinabon niya ako sa kabilang linya. Parang mabasag ang eardrum ko dahil sa pagsigaw niya.





"If you're not here after 30 minutes, ikakalat ko tong picture sa buong campus!" inis na inis na sabi niya sa kabilang linya. Nagpaumanhin ako sakanya at mabilis na inayos ko ang sarili ko. Saktong pagkarating ko dun ay paalis naman siya. Mabilis na bumaba ako sa kotse at tinawag siya.





"You're late naikalat ko na." aniya.




"What?" sigaw ko sakanya. Natawa siya sa reaksiyon ko.




Ang boyfriend kong bading!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon