Inis na pinuntahan ko ang magiging klase ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na may babaeng babalewala sakin. Ako na gwapo at mayaman, lalong lalo na hinahangaan ng kababaihan ay binalewala ng isang babae. Ni hindi man lang binigay ang pangalan nito sakin kanina. Habang papunta sa aking magiging klase ay tilian ang mga babaeng madadaanan ko. Nawalan ako ng ganang ngumiti sakanila dahil sa nangyari. Pagdating ko sa klase saktong papasok naman ang teacher namin.
"Mr. Darwin?"tawag niya sakin. Ngumiti ako saka lumapit sakanya. Pumasok kami sa loob at binati nito ang buong klase. Nagtilian ang mga kababaihan at umismid naman ang mga kalalakihan ng makita ako. Ngumiti lamang ako sa kanila at sumenyas ang guro namin na tumahimik sila upang makapagpapakilala ako.
"Hello everyone! I'm Darwin Santiago the teen superstar!"nakangiting pakilala ko. Tilian nanaman ang mga babae. Nawala sa isip ko ang nangyari kanina at napangiti dahil sa reaction nila.
"Masyadong mayabang!"narinig kong sabi ng isang lalaki sa unahan. Hindi ko siya pinansin.
Inggit ka lang!
"Lets all be friends!"dagdag ko pa sabay kindat sa mga babae. Matapos kong magpapakilala napansin ko ang isang babae sa gilid ng bintana ng klase. Hindi man lang pinansin ang pagpapakilala ko. Naalala ko nanaman tuloy ang babae kanina.
Damn that girl! I'll definitely make sure she'll fall inlove with me and break her heart afterwards. naisip ko.
Wait a minute! She kinda looks like her! biglang naisip ko. Ayaw pa talagang humarap ng babaeng yun. Nakatalikod kasi ito at kausap ang nasa likuran nito kaya hindi ko makita ang mukha niya.
"Darwin, you seat beside Geraldine."sabi ng guro at tinuro ang upuan malapit sa babaeng walang pakialam sakin. Pinuntahan ko ang upuang sinasabi ng teacher namin.
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong bading!
Teen FictionRafael Llamas is rich, smart and girls gather around him all the time. A guy who has liking in girly things like reading pocket books, baking, sewing, decorating and how to put some make up. In short he's a gay at walang nakakaalam sa sekreto niyang...