Natapos na ang practice namin sa tenis, hindi ko man lang nakita si Geraldine.
Saan naman nagpunta ang babaeng yun at hindi man lang nagpaalam? Tumingin tingin ako sa paligid baka nandun lang siya kasama ng mga babae at baka hindi ko lang napansin dahil sa maliit siyang babae. Kaso ni anino niya ay hindi ko makita. Napansin ni Mark na may hinahanap ako.
"Dude, si Geraldine ba ang hanap mo?"Tanong nito. Tumango ako sakanya.
"May kakausapin lang daw siya saglit."Ani Mark.
"I see, lalake ba kausap niya?" Medyo naiiritang tanong ko sakanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kapag may kausap na lalake si Geraldine ay biglang umiinit ang ulo ko.
"Nope, babae kausap niya." Sagot niya. I feel relieved sa sinabi niya.
Ngayon ko lang napansing, ilang araw na siyang may kinakausap na mga babae. Bigla tuloy akong nagalala.
Hindi kaya sinasalvage na siya ng mga babae para makipagbreak sakin? Nahihintakutang isip ko at napasinghap.
Baka masabi niya ang sekreto ko! No way! I'm not ready yet to show my true colors!
"Saan mo pala nakita kanina si Geraldine?"Nagaalalang tanong ko.
"Don't worry dude, wala namang mangyayaring masama kay Geraldine."Assurance nito sakin at tinapik pa ang balikat ko.
Magwoworry na talaga ako Mark kung ibubunyag ni Geraldine sa mga yun ang sekreto ko. napakagat labi ako sa naisip ko. Ngali ngaling sabihin ko kay Mark ang naisip.
"Please tell me where did you saw her Mark?"Sabi ko. Nagulat siya sa intense ng boses ko kaya sinabi niya agad kung nasaan si Geraldine. Tinakbo ko agad ang direksiyong sinasabi niya. Pagdating ko doon ay hindi ko man lang nakita sina Geraldine. Naglalakad lakad pa ako ng konti papunta sa gym. Nang malapit na ako sa gym may narinig akong humihikbi at sumisinghot. Dahang dahan akong lumapit sa isang puno malapit sa gym. Isang babaeng nakayuko ang nakita ko sa likod ng puno. Magulo ang buhok ,marumi ang damit at may mga galos siya sa braso. Natigil ang paghikbi at pagsinghot nito ng hahawakan ko sana siya sa balikat. Nagulat ako ng bigla itong tumayo.
"Honey!"Gulat na sabi ni Geraldine nang makita ako.
"Pwede ba wag mo akong tawaging honey."Inis na sabi ko. Hindi siya sumagot. Kumirot nanaman ang dibdib ko ng makita ko ang luhaang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong bading!
Teen FictionRafael Llamas is rich, smart and girls gather around him all the time. A guy who has liking in girly things like reading pocket books, baking, sewing, decorating and how to put some make up. In short he's a gay at walang nakakaalam sa sekreto niyang...