Chapter VI

410 10 0
                                    

Michelle's POV

"Kyaaaaa!"inis na inis na sigaw ko dahil palpak ang planong pahiyain si Geraldine.Hindi ko alam kung bakit siya pa ang napili ni Rafael, ordinaryo lang naman ang beauty niya and one more thing hindi naman siya mayaman katulad ko. Naalala ko pa ang sinabi nina Rafael at Geraldine sakin.

 



"Im sorry but im not interested with you."ani Rafael ng kausapin ko siya last month .about sa offer kong maging girlfriend niya. He rejected me right away! And my pride don't like it. Ako na maganda at hinahangaan ng mga kalalakihan ay inayawan ni Rafael? Hindi ako makakapayag ng ganon. Parang sinampal ako ni Rafael dahil sa pagayaw niya sa offer kong maging girlfriend niya. I spread a rumor that he is a gay para masira ang reputasyon niya ngunit hindi ko aakalain na dahil doon ay magkakaroon siya ng girlfriend at mas lalong sumikat pa siya dahil doon.



Si Geraldine naman ang kinausap ko dahil hindi talaga tanggap ng kalooban ko na inayawan ako ni Rafael at ang pinili niya ay si Geraldine. I told her to break up with Rafael at kapag hindi niya gagawin iyon ay magsisisi siya kung bakit niya sinagot si Rafael. Banta ko pa sakanya ngunit tiningnan niya lamang ako. At ang sabi niya ay "I don't care!".

 


I hate the both of them! This is the first time that someone says no to me! I want a revenge! Inutusan ko ang masugid kong manliligaw na sina Gerald at Maynard na lagyan ng iba't ibang insekto ang bag at locker ni Geraldine. Palpak kasi sila sa unang pinagawa ko sakanila na pahiyain sa harap ng maraming tao si Geraldine. Ngunit ngayon ay tuwang tuwa ako ng makita ko na parang hihimatayin si Geraldine ng makita niya ang mga insekto sa bag niya. Hindi ako kuntento sa ganon, I want to scare her more! At may naisip na ako kung paano siya takutin pa.




"Lock her up in a dark room."utos ko sa dalawang lalaking patay na patay sakin. Nalaman kong takot si Geraldine sa madidilim na lugar kaya yun ang susunod kong plano. At umalis na ako sa harapan nila.




"Girl, ano nanaman ang inutos mo sakanilang dalawa?"tanong ng kaibigan kong si Jade.



 "You'll see it later."sagot ko sakanya with an evil smile on my lips.



"Ano ang magiging premyo nila kung nagawa nila ng tama ang inutos mo?"tanong din ng isa ko pang kaibigan na si Judy.



"Date for an hour in a coffee shop."sabi ko.



"What?Only that?"ani Judy. Tumango ako.




"Masaya na sila sa ganon."nakangiting sabi ko.




"Iba talaga ang kamandag mo friend!"ani Jade. Nginitian ko lamang siya at niyaya na silang kumain sa cafeteria.




Pinuntahan namin ang warehouse ng eskwelahan. Doon kasi nila dadalhin si Geraldine. Kitang kita namin kung paano nila nilock ang warehouse ng pagkapasok ng pagkapasok ni Geraldine. Nagdidiwang ang kalooban ko ng maranig namin ang sigaw ni Geraldine.




Tignan ko lang kung hindi pa siya bibitaw sa relasyon nilang dalawa.




Maya maya biglang tumahimik si Geraldine sa loob ng madilim na warehouse.



"Girl baka napano na dun si Geraldine."nagaalalang wika ni Judy.



"Ano naman ang mangyayari sakanya dun?"sarkastikong tanong ko sa kaibigan ko.



"Nakakamatay kaya ang sobrang takot friend."sabi naman ni Jade.



"Exit muna ako sa mga plano niyo."ani Judy.



"What?!"inis na sabi ko.




"Me too! Hindi kaya ng konsensya ko kapag may mangyaring masama sakanya."sabi naman ni Jade.




"Dammit! What kind of friends are you!?"galit na sigaw ko sakanilang dalawa. Hindi nila ako sinagot.



Shit!Matatakot lang, mamamatay agad?Duh!




Ilang minuto na ang nakalipas at tahimik pa rin warehouse. Medyo nagaalala na rin ako. Baka may namamatay nga sa sobrang takot. Lalapitan ko na sana ang warehouse upang buksan si Geraldine ng paparating naman si Rafael. Dali daling binuksan niya ang pinto ng warehouse.





"Geraldine!"ani Rafael. Pagkabukas ng pinto ay biglang lumabas agad si Geraldine at umiiyak na niyakap si Rafael. Inis na inis na kinagat ko ang panyong hawak ko dahil sa eksenang nakita ko. Dahil sa nangyari ay mas lalong nagiging close pa sila. Hindi ganon ang plano ko. I want them to seperate! Grrrrrr! Inis na inis na nilisan ko na lamang ang lugar na yun.

P.S.

I hope you enjoy reading.. :)

Ang boyfriend kong bading!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon