Chapter IV

448 11 0
                                    

Rafael's POV

"What?!"Sigaw ko kay Geraldine. Tinginan lahat ng estudyante samin dahil sa pagsigaw ko. Hiyang hiya talaga ako dahil sa ginawa ko. Hiniling ko na sana bumukas ang lupa at kainin ako.



This is embarassing! Kasalanan kasi to ng bruha eh! At that moment I really want to struggle her neck. Ngumiti siya sakin at hinawakan ako sa pisngi. Tumayo ang mga mumunting balahibo ko dahil sa ginawa niya.



"Honey, maliit na sugat lang to. Malayo pa sa bituka. So don't worry ok?" Sabi niya na medyo nilakasan ang boses upang marinig ng mga estudyante ang sinasabi niya. Nagtaka ako sa sinabi niya. Kininditan niya ako sabay bulong.



"Sumakay ka na lang" Aniya. Kunot noong tiningnan ko siya. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko nagets ang sinabi niya..



"Please be careful next time, I don't like you to get hurt."Nagaalalang sabi ko at ngumiti ng pagkatamis tamis sa kanya. Pero sa loob loob ko ay sinasakal ko na si Geraldine. Inakbayan ko pa siya para sabihing napakasweet talaga namin. Pwede na kaming maging best actor and best actress dahil sa arte namin.



"Kyaaaaaaaa! Ang sweet mo talaga Mr. Llamas!"kinikilig na sigaw ng fans ko.



"Sana naging akin ka na lang."hirit naman ng iba. Nginitian ko sila.



"Sorry pero taken na ako and she's my one and only."Sabi ko at kinindatan si Geradine. Tumaas balahibo ko dahil sa ginawa ko. Kitang kita ko ang paniningkit ng mata nila kay Geraldine. Wala lang naman kay Geraldine ang paniningkit ng mga mata nila. Mas niyakap pa ako ng bruha upang iparating sakanila na siya yung napili ko.



"And you're my one and only."aniya at tinitigan ako ng seryoso sa mata. Nagulat ako sa kaseryosohan ng mukha niya kaya hindi ako nakapagreact.

Nah, acting lang yun? Bigla akong kinabahan ng unti unting lumapit ang mukha niya sakin. Kung hahalikan ako nito ay hindi ako makapalag dahil maraming tao.



Kyaaaaaaaaaa! Please no! Nakatingin pa naman si Mark! Pumikit na lamang ako upang tanggapin ang parusang ibibigay nito.



"What happened to you? Bakit ka nakapikit? Inaantok ka na ba?"bulong niya sakin. Biglang binuksan ko ang mga mata ko. Nakangisi talaga siya hanggang tenga. She's just teasing me!



Uminit ng bongga ang ulo ko. Nagpaalam na ako sakanila at hinila ko siya papunta sa gym.



Napapagod na ako sa kakangiti. Ngayon alam ko na kung ano ang nararamdaman ng mga artista. Mahirap pa lang magpanggap na gusto mo ang ginagawa sayo. haist.



"What's wrong with you?!" Inis na inis na tanong ko sakanya nang makarating kami sa gym.



"I'm just doing what you want me to do." Kalmadong sabi niya.



"Oh really? I told you to act sweet not to make me mad!"Sumisigaw na ata ako dahil sa inis kay Geraldine.



"Ginawa ko naman yun ah. I just put a little bit of spice. Para naman mukhang totoo talaga yung acting natin."Paliwanag niya.



"Yeah spice?!" Bulalas ko.



"Nakita mo naman ang reaksiyon nila kanina diba?"Nakangiting dugtong pa niya.


"You're overdoing it! And kala ko kanina---- I stopped. Ayokong sabihin about sa naisip ko na akala ko ay halikan niya ako. Siguradong pagtatawanan niya ako.



"Kala mo ano?"nakangiting tanong niya.



"Kala ko ay------------------------------------ basta yun na yun!"Inis na sabi ko dahil wala akong maisip na rason. Tumawa siya ng malakas.



"Shut up! There's nothing funny!"I said furiously. Mas lalo lamang siya tumawa.


Kung hindi lang talaga kasalanan ang pumatay ay baka napatay ko na tong babaeng to.


I decided to walked away. Baka ako ang mamatay dahil sa atake sa puso.



"Hey! Where are you going!"Sigaw na tanong niya.



"To the place where I can't see your face!"Inis na sabi ko.



"Can I come with you?"Tukso pa nito.


Hindi ko siya sinagot at tuluy-tuloy lamang ako sa paglalakad palayo sa bruhang iyon.



Sana sinagot ko na lang ang panliligaw ni Michelle sakin. Kung siya ang kasama ko ngayon ay baka may peace of mind ako kahit papano. Haits.

Ang boyfriend kong bading!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon