Matapos ang nangyari sa stage kanina. Nahiya akong harapin si Geraldine. Dumiretso agad ako sa Green house upang magisip kung bakit ko nagawa ang bagay na yun kanina.
Why did I kiss her? Nagiging tibo na ba ako ngayon?! Ewwwwwwwwwww! Dinama ko ang puso ko.Normal na ang tibok nito hindi tulad kanina.
"Nah! Spur of the moment lang yun kanina dahil si Mark pa rin ang mahal ko."kumbinsi ko sa sarili dahil hindi tanggap ng isip ko na may gusto ako kay Geraldine. I force myself to think about Mark. Inisip kong kaming dalawa ang naghalikan kanina at hindi si Geraldine. Pero sumisiksik pa rin ang mukha ni Geraldine sa isip ko.
Wahhhhhhhhhhhh! She's a girl! She's a girl! At ganon din ako! Kaya di pwedeng mainlove ako sakanya!
"Raffy?"tawag sakin ni Geraldine. Kinabahan akong bigla ng marinig ko boses niya. Magtatago pa sana ako ngunit nakita na niya ako. Labi niya agad ang tiningnan ko. Ramdam ko ang paginit ng mukha ko. Dama ko pa rin ang mga malalambot niyang labi sa mga labi ko. Pinilig ko ang ulo ko upang alisin sa diwa ko ang kahindak hindak na nangyari kanina. Yeah! kahindak hindak nga dahil parehas kaming babae! Parang sasabog ang ulo ko sa kakaisip kung bakit nagawa ko yun kanina. Nanghihinang napaupo ako sa damuhan.
"Uhmmm-----------
"Stop!"I touched her lips with my finger upang patigilin siya sa anumang sasabihin niya. Parang nakuryente ang buong katawan ko sa paghawak sa labi niya.
Her lips is kissable.------- Yikes! Stop thinking about ridiculous things Raffy!
"Hmmmmmm....I'm just acting earlier so please don't think there's something about it."pauna ko na sakanya.
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong bading!
Teen FictionRafael Llamas is rich, smart and girls gather around him all the time. A guy who has liking in girly things like reading pocket books, baking, sewing, decorating and how to put some make up. In short he's a gay at walang nakakaalam sa sekreto niyang...