Chapter V

473 11 0
                                    

"Sis! Ano bang mas maganda dito?" Tanong ni Rika kay Geraldine. At pinakita nito ang damit panglalaki dito. Nasa SM mall kami ngayon at pumipili ng ireregalo para sa pamangkin ni Rika.




Argh! So boring. Naisip ko. At tiningnan ng masama si Geraldine pero iniwasan niya ang tingin ko. Kasalanan niya kasi ito eh. Kaya ako nandito at kasama sila dahil sa babaeng to. Naalala ko ang nangyari kanina.



EARLIER IN SCHOOL

"Uhmmmm, Honey." She called me and fidget.



"Yes?" Pagtataray ko sakanya.



"Honey, don't show your girlishness right now. Andito si Rika." Bulong niya sakin.



"Bakit hindi mo sinabi agad? At bakit dinala mo siya dito sa sagradong lugar ko?" Inis na bulong ko sakanya. Ang green house ang sagradong lugar ko dahil dito ko lang nagagawa ang mga kabaklaan ko.



"Sorry, nagpumilit siyang sumama sakin eh." Aniya and she fidget again. I looked at her straight to the eye and asked her what she wants. Hindi siya sumagot sa halip si Rika ang nagtanong sakin kung pwede ba akong sumama magshopping sakanila at pumili na rin ng magandang regalo para sa pamangkin niyang lalaki. Kinurot ko si Geraldine upang ipaalam na ayaw kong sumama. Na siya nang bahalang magdahilan sa kaibigan niya. Ngumiti siya sakin.



Buti naman nakuha mo ang gusto kong iparating.



"Hmmm, Sasama daw siya satin." Anito. Lumaki mata ko sakanya.



"Thank you Raffy. Sandali at kukunin ko lang gamit ko." Ani Rika at nagmamadaling umalis.



"How dare you! Hindi ba pinagusapan na natin na hindi ako sasama sa mga lakad mo at ganon ka rin sakin. Ang relasyon natin ay dito lang sa school! Not outside the school!" Galit galit na sabi ko sakanya.



"Honey, kapag hindi ka sasama ngayon samin. Magtataka si Rika nun." Paliwanag niya.



"Don't call me honey! And wala akong pakialam kung magtaka man siya!" I snapped.

Ang boyfriend kong bading!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon