Chapter 15

379 10 0
                                    

"Cut!!!!" sigaw ng director at nilapitan ako.



"What's the matter with you?"anito na pinipigilang wag magalit. Nakalabing anim na rolyo ng film na kasi siya dahil sa pagkakamali ko. Ayaw nito akong pagalitan dahil baka lilipat ako sa kabilang istasyon kung pagagalitan niya ako. Kung regular na artista lang ako siguradong nasabon na ako nitong director na to.



"I'm sorry direk, I'm just not feeling well today."pagpaumanhin ko.



"I wished you told me earlier para hindi tayo nagsayang ng labing anim na rolyo ng film." anito. Humingi na lang ako ng paumanhin at nagrequest ng 10 minutes break. Buti na lang pumayag ito.



"Dude?! Babae ba problema mo?"nakangiting sabi ni Jack ang kasamahan ko sa taping. Nadinig lahat ng staff ang tanong ni Jack kaya nagsilapitan silang lahat sakin lalong lalo na ang direktor. Masyadong interesado siya sa magiging lovelife ko dahil siguradong tataas nanaman ang rating ng istasyon niya kung magkakaroon ng balitang inlove ako. haits.



"No, no , no! I'm just not feeling well today that's why i'm like this."deny ko. Ang saya saya ng mukha ng lading-lady ko na si KC at disappointed naman ang mukha ng direktor namin. Pero totoong babae ang dahilan ng pagkakaganito ko ngayon. I can't concentrate with my work because I'm always thinking of Geraldine. My plan in making her fall inlove with me is a failure! Instead, I'm the one who fell inlove with her. I sighed deeply.



I can't accept this!



Kinabukasan sumabog ang balita sa Tv, radyo at dyaryo na inlove ako ngunit hindi sinabi kung sino ito. Pagdating ko palang sa school ay pinagkaguluhan agad ako ng mga kababaihan. Tanong dito at tanong doon ang maririnig ko sakanila. Naubos ang energy ko sa kakasagot sakanila. At nang makita ko naman si Geraldine ay pinagcheer niya pa ako. Mas lalo pa atang nadrain ang energy ko ng makita ko ang paglalambing ni Geraldine kay Rafael. At dahil doon maghapong wala ako sa mood.




"Darwin!?Why are you still here?" nagtatakang tanong niya. Kanina pa kasi ang uwian kaso nagpaiwan ako sa klase dahil wala akong ganang umuwi.



"Pagkakaguluhan kasi ako ng mga kababaihan kapag makita nila ako eh."paliwanag ko. Tumango tango ito. Kumunot ang noo niya at tiningnan ako ng mainam.



"Are you okay?"nagaalalang tanong niya.

Ang boyfriend kong bading!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon