Chapter III

557 14 0
                                    

Geraldine's POV

"Kyaaaa! You're so lucky Gie! So many beautiful and rich girls in this school pero sayo nahulog si Raffy!" kinikilig na sabi ng bestfriend kong si Rika. Kinindatan kasi ako ni Rafael nang magkascore siya sa lawn tennis. Two weeks na ang nakalipas ng tanggapin ko ang offer ni Rafael na maging girlfriend niya. "Pretend girlfriend".



Haits naku kung alam niya lang.tsk! tsk!tsk! Baka kahit lingunin si Rafael ay hindi niya na magawa. Bakla kasi si Rafael at ako lang ang nakakaalam sa paaralang iyon.



Nang sumabog ang balitang bakla si Rafael ay pinuntahan ko siya sa green house upang alamin ang katotohanan. Nang pagpasok ko doon ay nagulat ako sa nakita ko. Si Rafael ay galit na galit na pinagsisipa ang bato. Naiintindihan ko naman ang magiging damdamin niya. Kahit ako magagalit din naman kung may ganong chismis na umiikot sa buong campus kaso ang ikinagulat ko ay ang reaksiyon at ang mga pinagsasabi niya habang pinagsisipa ang bato.



"Shit! Bruha talaga ang Michelle na yun!"inis na inis na sabi niya habang nakapameywang at pinagsisipa ang bato.




"Baka mabuking na totoong beki ako."dugtong pa nito. I gasped when he said that. Gulat din na nilingon ako ni Rafael. Ilang minuto ang nakalipas na walang nagsasalita at nakanganga lang kami dahil sa pagkagulat namin. I step backward upang umalis na lamang doon. Kunwari wala akong narinig. Malapit na ako sa gate ng green house ng tinawag niya ako.



"Geraldine!?"tawag nito. Dahang dahang nilingon ko siya..



"Geraldine name mo diba?"tanong pa nito.



Walanghiya to hindi pa ako kilala.Eh magkaklase lang naman kami. Tumango ako.



"Hmmmm, I know you need money for your living."pauna nito.



"Mukha na ba akong walang pera?"taas kilay na tanong ko.



"Yes! I mean no! Ibig kong sabihin,kulang pa yung perang natatanggap mo sa school para sa pangaraw-araw mo."anitong nakangiti ng pilit.



"So?"naiinis na sabi ko. Nainsulto kasi ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang nalaman na pangit pala ugali nito. Inooffer niya sakin ang pagiging girlfriend nito at nagmakaawa na huwag na huwag kong sasabihin kahit kanino ang nalaman ko ngayon. Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan dahil sa sigaw ng mga babae.



Kyaaaaaaa! sigaw ng mga babaeng may gusto kay Rafael dahil nakapuntos nanaman ito sa lawn tennis.



"Isa lang ang ibig sabihin niyan girl!"nakangiting sabi ko kay Rika.



"Na ikaw ang pinakamaganda sa campus,kinapos nga lang sa pera at height." aniya na pinaikot pa ang eye balls niya. Tumawa ako dahil sa reaksyon niya. Yun kasi ang parati kong sinasabi sakanya nung naging kami ni Rafael.



"Woah! Ikaw nagsabi niyan, hindi ako." sabi ko naman.



"In your dreams!"singit ni Michelle narinig niya kasi ang pinaguusapan namin. Ang babaeng ito ang dahilan kung bakit nagaarte kaming dalawa ni Rafael na may relasyon.



"Dream!? Maybe I'm just dreaming!"tuya ko sakanya at kinawayan si Rafael sabay sigaw ng"Go honey!". She gritted her teeth and walked away. Dilian ko siya.



"Girl sana hindi mo na lang pinatulan si Michelle. Alam mo naman ugali non. Baka isalvage ka nun." nagaalalang wika ni Rika.



"NAh! exage ka masyado. Sa palabas lang nangyayari yun." Umiiling na sabi ko.



"Malay mo, gagawin niya yun." aniya. Medyo kinabahan ako sa sinabi ng kaibigan ko.



"Wala na. Nagawa ko na eh." sabi ko na lamang.



KYAAAAAAAAAAAAA! Sigaw ng mga fans ni Rafael ng matapos ang first half ng laro nila. Lamang kasi ito sa kalaro nito. Nang lumapit si Rafael sakin, lahat ng girls ay tiningnan ako ng masama. Hindi pa rin nila tanggap na ako ang naging girlfriend ni Rafael.



Buti na lang hindi wild mga girls dito. Hindi tulad sa napapanuod kong anime. Kapag nagkagirlfriend ang idol nila ay ginagawan nila ito ng masama. Hanggang sa makipagbreak ang babae sa lalaki. Well so far wala pa naman akong naexperience na ganon simula ng malaman nilang ako ang girlfriend ni Rafael.



"Hey! Pakita mo naman na sweet ka."bulong ni Rafael sa tenga ko. Kung titingnan ay parang hinahalikan ako nito. Sigawan nanaman mga fans nito dahil sa ginawa niya.



Parang tanga lang. Kanina gusto na nila akong kainin dahil ako ang girlfriend ni Rafael,tapos ngayon parang sasabog na ang ngalangala nila sa kasisigaw dahil sa pagbulong ni Rafael. naiinis na naisip ko.



"Tinatamad ako ngayon eh."I teased him. Gustung gustong ko talaga kapag naiinis si Rafael. Kaya kapag kasama ko siya, lahat ng ayaw niya ay yun ang ginagawa ko.



"What?!"biglang sigaw niya. Tinginan lahat ng estudyante samin dahil sa pagsigaw nito.

Ang boyfriend kong bading!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon