Chapter 22

338 10 0
                                    

"Yay! I love beach! Beach here I come!" masayang sabi ni Geraldine. Tuwang tuwang din ang mga kasamahan ko sakanya dahil para siyang bata. Lahat ng nakikita niya sa labas ng bintana ng van ay sinasabi niya. Ok lang sana na ganon ang ginagawa niya kaso ang kinaiinisan ko ay si Rika at lalong lalo si Darwin ang kinakausap niya, hindi ako.Pero kahit kausapin ako ni Geraldine wala naman ako masabi. And I hate myself for that. Isa pang kinaiinisan ko, ay kung bakit napasama si Darwin sa trip namin ngayon. Ayoko namang alamin kung bakit nandito yan ngayon.



Baka magkawrinkles lang ako kapag nalaman ko ang dahilan ng pagsama niyan.haits.



"Look Raffy the sky outside is beautiful." nakangiting sabi ni Geraldine. Tiningnan ko saglit.



"Yeah it is." bagot kong sabi. She pinched my nose as hard as she could.



"Ouch! What are you doing Geraldine!" Inis na sabi ko sakanya. Hindi siya sumagot and she pout her lips.




"Care to explain?!" inis pa ring tanong ko sakanya.



"Okay if you don't like to explain, I'll sleep." sabi ko at pumwestong matutulog na. I feel disappointed dahil hindi man lang niya ako inaamo.Mas lalo pa akong nainis dahil sa nararamdaman ko. Ayaw ko pa ring isipin na may gusto ako kay Geraldine kaya sa durasiyon ng biyahe namin ay hindi ko siya masyadong pinapansin at hinahayaan ko lang na kausapin niya si Darwin. Pero minsan hindi ko matiis,ginugulo ko ang usapan nila kapag naririnig kong tuwang tuwa silang dalawa. Maya maya hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Paggising ko , nagulat pa ako dahil ang lapit lapit ng mukha ni Geraldine sa mukha ko.



"Ay butiki!" gulat kong sabi.



"Masyado ka naman. Alam kong payat ako pero hindi naman ako mukhang butiki." Nakasimangot niya sabi. Napangiti ako dahil sa mukha niya.



"Where's everybody?" tanong ko.



"Nasa cottage na, tayong dalawa na lamang ang nandito sa van." aniyang nakangiti.



"Ang haba pala ng mga pilik mata mo." dugtong pa niya. Namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Ang boyfriend kong bading!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon