Chapter 26

340 11 0
                                    

Nagpaalam ako kay coach na mauna na kaming umuwi ni Geraldine dahil sa nangyari. Pinayagan naman kami ngunit bago kami makauwi biniro pa niya ako.




"Tulog na agad Raffy, no hanky panky."nakangiting sabi niya. Namula ang mukha ko sa sinabi niya.




"Coach! I'm not like that!"namumulang sabi ko. Tumawa siya.





"Oo nga pala, iba pala type mo."anito at kumindat pa sakin. Sumama ang loob ko sa sinabi niya. Pero ngumiti pa rin ako at nagpaalam na sakanila. Ito din ang dahilan kung bakit ayaw kong malaman nilang bading ako. Dahil magiging mababa na ang tingin nila sakin. Hindi ko maintindihan ang mga tao. Ano ngayon kung bakla o tomboy ang isang tao? Wala namang masama dun. Ang masama ay kung mananakit na sila ng tao.




Haits. Ayoko na ngang isipin ang bagay na yan. Naiistress lang ako.




"Raffy, pwede mo na akong ibaba." nahihiyang sabi ni Geraldine. Buhat buhat ko pa kasi siya na parang prinsesa. Mabilis na ibinababa ko siya.




"Dapat ka lang talagang bumaba na dahil ang bigat bigat ng puwet mo." nagbibirong sabi ko.




"Raffy." seryosong tawag niya sakin. Kinabahan ako tuloy, baka malaman niyang may gusto ako sakanya. Hindi ko pa kayang marinig na ireject niya ako. Yeah, Reject! Imposibleng ang babaeng tulad niya ay magustuhan ang baklang tulad ko.




"Ayan na pala cottage niyo." pagiiba ko ng topic.




"Raffy." tawag niya pa rin sakin.





Ang boyfriend kong bading!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon