Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa excited ako. Nauna pa nga akong nagising kaysa sa alarm ko eh. Ngayong araw kasi ang date namin ni Geraldine. Inilabas ko lahat ng mga damit ko sa closet at nagpatulong pa ako kay mama kung anong damit ba ang gagamitin ko para sa date namin. Natatawa siya sakin. Nilunok ko na muna ang hiyang nararamdaman ko dahil gusto kong maging gwapo at lalaking lalaki sa paningin ni Geraldine ngayong araw na to.
"Don't worry hijo! I'm sure maiinlove ng todo ang magiging kadate mo." ani mama ng nagpaalam na ako.
"Thanks mom." nakangiting paalam ko.
"Be yourself and next time bring her here hijo." sabi pa nito.
"I will mom." sabi ko naman.
Nakarating ako sa tagpuan namin 30 minutes bago ang oras ng pinagusapan namin. Nangawit ako sa pagkakatayo kaya umupo muna ako sa isang bench malapit dun. Maya maya lang dumating naman si Geraldine at may bitbit na basket. I get this heavy feeling right by my heart. It's almost as if I was having some heart burns. Obviously my heart beats faster. My mind goes blank. And all I do was staring her innocent face. Kinabahan akong bigla baka hindi niya magustuhan ang porma ko.
"Raffy!" nakangiting tawag niya sakin ng makita niya ako. My heart skips a beat. Mas lalo pa akong kinabahan kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya pagkalapit niya sakin.
"Kanina ka pa ba dito." tanong niya sakin.
"Bakit naman ako pupunta dito nang maaga? Kakarating ko lang din." hindi ko mapigilang magtaray.Ayoko kasing malaman niyang excited ako sa date namin.
"Kala ko kanina ka pa dito eh." aniya.
"Hmmmmm....Something is different." dugtong niya pa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ramdam kong namumula ang mukha ko dahil sa ginagawa niya at kinakabahan ako sa magiging sasabihin niya.
Magmukhang lalake sana ang dating ko sakanya.
"Ang gwapo mo!------ aniyang nagblush pa saka ngumisi.------- Nageffort ka talagang pumorma para sakin." nakangising sabi niya at nagpacute pa.
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong bading!
Teen FictionRafael Llamas is rich, smart and girls gather around him all the time. A guy who has liking in girly things like reading pocket books, baking, sewing, decorating and how to put some make up. In short he's a gay at walang nakakaalam sa sekreto niyang...