Mahal samahan mo ako, halina't magbalik-tanaw tayo
Balikan natin kung saan nagsimula ang tayo
Yung masayang alaala na minsan nating binuo
Yung pangakong itinaga nating dalawa sa bato
Ang saya saya natin noon ano ?
Ang saya ko rin sa tuwing magkasama at magkahawak kamay tayo
Yung kahit ang mamais ng mga jokes mo tumatawa pa rin ako
Yung kahit ang tagal na natin di ko maipagkailang kinikilig pa rin ako
Yung sa sobrang tatag natin na kahit anong problema ang dumating hindi tayo papatalo
Yung mismong pagsubok nalang talaga ang mapapagod at susuko
Nung mga panahong yun ang saya saya ang lahat ay napaka perpekto
Kaya alam mo napakasaya kong dumating ka sa buhay ko
Yung panahong gabi gabi magkatext at magkatawag tayo
Hanggang sa umaga napakahaba at nakakakilig yung mga mensahe mong bubungad at bubuo ng araw ko
Yung nang aasar ka tas na pipikon ako tapos susuyuin mo agad ako pag alam mong nagtatampo na ako
Yung iniintindi mo yung kasungitan ko
Yung mga panahong sinusuportahan mo ako sa lahat ng bagay
Pati na yung pag fafangirling ko
Pati yung mga kawierduhan ko
Sinasamahan mo rin ako sa mga munting bagay na ikakasaya ko kahit wala kang hilig sa mga ito
Nangako ka pa nga na susuportahan natin ang hilig ng isat isa
Yung kahit anong mangyari magkasama pa rin tayong dalawa
Sabay tayong tumatahak sa pagsubok na inihanda ng tadhana
Yung hindi tayo matutulog hanggat yung away natin ay hindi na reresolba
Diba sabi ko pa napakaswerte ko dahil merong ikaw sa buhay ko
Pero sabi mo maswerte ka ring dumating ako
Kasabay ng pagngiti mo at pagtingin sa mata ko
Humigpit ang hawak mo sa kamay ko at sabi mo hindi kana bibitaw dito
Pero kasabay ng pagikot ng mundo
Pagbilis ng araw oras minuto maging ang segundo
Maging ang klima natin ay nagbabago
Pero ang masakit dito unti unti ka ng nagbabago
Para bang ikaw lumalayo
Yung kahit na magkalapit na tayo di ko parin ramdam ang presensiya ko
Yung magkausap tayo pero para bang may gumugulo sa isip mo
Nanlalamig ka na ba sa tayo ?
Isang araw lumapit ako sayo
Pero bawat hakbang ko tila ikaw lumalayo
Akala ko ba magtutulungan tayo ?
Akalo ko ba magsusuportahan tayo
Disyembre noon nang paligid ay napakalamig
Kasabay ng iyong panlalamig
Na tila bang anong oras guguho na ang aking daigdig
bakit mahal parang sa ating dalawa ako nalang ang umiibig
Gusto kong ang oras minuto at segundo ay ibalik
Kung hindi na kayang ibalik
Maaari bang ulitin nalang natin ulit
ang ikaw at ako, ang dating tayo