Bakit Ang Hirap Kalimutan Ka

19 1 0
                                    

Sa bawat araw na nagdaan
Ang ang mga panahong ayokong lampasan
Pero wala akong magagawa dahil ito na pala ang hangganan
Nasa punto na tayo ng buhay na kung saan ay wala ng lingunan

Mahal ang hirap pala
Ang hirap masanay sa mga bagay na mawawala din lang pala
Yung mga bagay na pansamantala
Yung akala mo habambuhay na kaso sandali lang pala

Pagkat hangganan at nasa ating harapan na pala
Na tila ba parang bangin na malalim na puno ng luha
Na hindi mo alam kung makakabangon ka pa ba
Sa pighati na dulot ng nakaraang nawala

Sana kung papaano mo ako tinuruang mahalin ka
Ganun ka rin sana katiyang turuan akong kalimutan ka
Kung papaano mo sana ako sinanay sa iyong presensiya
Ganoon rin sana ang pagturo mo sa akin kung paano balewalain ka

Kaso mahal pinaramdam mo sa akin ang mga masasayang alaala
Ngunit kailanmay hindi mo pinaalala sa akin na kaakibat pala nitoy pangungulila
Pinaramdam mo sa akinykung paano sumaya
Pero bakit hindi mo sinabi sa akin na itoy panandalian lang pala

Gusto kong balikan ang nakaraan
Gusto kong palitan ang mga pangyayaring nagdaan
Sana ang mahalin kay di ko na lang sinimulan
Pagkat isa pala itong pain lamang

Pain na pang habang buhay kong dadalhin
Ito pala ang magdadala sa akin ng sakit at kalungkutan
Hinagpis at kasawian
Hanggang sa ang puso koy naging manhid na at wala ng nararamdaman

Mahal bakit tayo umabot sa puntong ito
Akala ko ba minahal mo ako ng husto?
Akala ko ba tanging pagmamahalan lang ang iyong ipaparamdam
Mali pala ako dahil binigyan mo rin ako ng sakit na patuloy kong dinaramdam

Gusto kong magnakaw
Magnakaw ng isang sandali
Upang kahit sandali ay maging akin kang muli
Para maipaglaban kita habang hindi pa huli

Sana may time machine para pwedeng ibalik ang dati
Sana pwedeng balikan at itama ang bawat pagkakamali
Sana pwedeng burahin at palitan ang mga pangyayari
Sana ikaw at ako nalang hanggang sa huli

Pero wala kaya mananatili nalang hanggang sana ang mga "sana"
Ibubulong nalang ang mga minimithi sa tala
Ang mga sakit,kalungkutan ay pakawalan na
Dahil wala ring magbabago kung magsisisihan pa

Tayoy prang ibon lamang na nakakulong sa hawla
Hawla ng pagmamahal nating dalawa na ngayoy nagkalamat na
Na ang paraan para sumaya at makahanap ng panibagong makakasama
Ay ang maging malaya

My Kind Of ExpressionWhere stories live. Discover now