Pasensiya Ka Na

12 1 0
                                    

Pasensiya na

Pasensiya ka na kung una palang gusto na kita
Pasensiya ka na kung sa mga sumunod na araw mula nun laging naaalala ka
Pagpasensiyhan mo na ako kung sa isip koy hindi ka mawala
Pasensiya na talaga di ko sinasadya

Di ko naman sinasadya na magkagusto sayo
Di ko naman ginustong maging parte ka ng buhay ko
Di ko sinasadyangymaramdaman ito
Kaso wala eh ikaw yung pinili ng aking puso

Hindi man ako ang pinili mo
Hindi ako magagalit sayo
Kasi ako naman itong nagkagusto sayo
Ako naman itong gustong pumasok sa buhay mo

Pasensiya ka na talaga kung makulit tong puso ko
Pasensiya ka na kung ikaw ang hinahanap nito
Pasensiya na talaga kung akoy nakakaabala
Pagpasensiyahan mo na

Wag kang magalala tanggap ko naman na hanggang dito lang ang dapat maramdaman ko
Magkalayo kasi tayo
Magkalapit pero mundo ay magkalayo
Ikaw ang itinuring kong mundo samantalang ako ang itinuring mong hangin sa paligid mo

Tanggap ko naman eh sino ba kasi ako
Ano ba naman kasing karapatan ko para magreklamo
Wala naman eh diba
Ako lang naman itog nagkakagusto sayong di mo gusto

Bakit ba kasi ang lakas ng dating ko
Bakit ba kasi noong dumaan ako sa gilid mo nakangiti ka habang nakatingin sa malayo
Bakit kasi nung araw na iyon biglang lumiwanag ang paligid na kinatatayuan mo
Sana kung hindi nangyari yun hindi ako sayo nagkagusto

Ang hirap rin naman kasing magkagusto sa taong wala namang pakialam sayo
Ang sakit magkagusto sa taong walang pakialam sa presensiya mo
Ang hirap magtiis naptumitig nalang sayo mula sa malayo
Ang hirap magkagusto sa taong malabong maging kayo

Pasensiga na ulit kug nakukulitan ka sa akin
Pasensiya na baka naman may magalit
Pasensiya na ha ganito lang yung taong nagkakagusto sayo
Pasensiya na hindi ako yung babaeng tipo mo

Wag kang mag alala darating rin yung araw na makakalimutan kita
Yun bang pag nakita kita wala na akong nararamdaman pa
Darating rin yung araw na wala na rin akong pakialam sayo sinta
Pag dumating yung araw na yun magiging masaya na rin ako sinta

My Kind Of ExpressionWhere stories live. Discover now