Sabi nila lahat kumukupas
Lahat lumilipas
Pero lahat ng panahon at pagkakataon na kasama ka hindi magwawakas
Mananatili hanggang bukas
Dahil ikaw lang ang nasa isipan
Kahit na lumipas ang mga araw at dumilim ang kalangitan
kahit na saan ako makarating ikaw lamang at ikaw pa rin
sa pusot isipan mahal ay ikaw lamang
Kahit na hindi na kita maabot kasi malayo ka na
Iyon ang nagpapatatag sa kin dahil araw araw akoy umaasa
Umaasa na kahit nasa malayo ka na
Umaasa pa rin akong babalik ka pa
Kahit na magkaiba na ang ating mundo
Kahit na alam kong malabong tayong dalawa ay muli pang magtagpo
Andito parin ako para sayo
Tandaan mo para sa akin walang nagbago
Kahit na di ko alam kung paano magsisimula
kahit hindi ko alam kung may mapapala ba ako sa patuloy kong pagasa
Pero andito lang ako mahal mananatili ako
Kahit na hindi ko alam kung may puwang pa ba ako sa puso mo
Dahil umaasa ako umaasa ako na balang araw maririnig ako ng kalangitan
Na pati si haring araw akoy sasang ayunan
Para maibalik lang
Ang naudlot nating pagmamahalan
Umaasa ako na balang araw muli tayong magtatagpo
Titibok muli ang ating puso
Mababalikan muli ang dating tayo
Yan yan ang sa kalangitan ay patuloy na ibubulong ko
Oo tanga na kung tanga
Pero wala akong magagawa
Patuloy parin akong aasa na balang araw tayo pa ring dalawa
Ipagdarasal ko rin yan sa kalangitan at di ako magsasawa
Dahil kahit magkalayo tayo
Kahit ilang daang kilometro o milya milyang layo
Andito pa rin ako
Umaasang Pareho pa rin ang tinitibok ng ating puso
Yung kahit ilang beses pinapaalala ng mga kaibigan ko kung gaano ako katanga
Na sayo ay wala akong mapapala
na kailangan na kitang palayain talaga
Pero umaasa pa rin akong babalik ka pa
Kasi ikaw pa rin at sana ako parin ang nasa puso mo
dahil hindi ko alam kung paano lumayo
O hindi ko alam kung kaya ko bang lumayo
Kasi iniisip ko palang natatakot na ako
Mas pinili kong lumaban kahit pagod na pagod na ako
Ni hindi nga ako nagpahinga kahit naghihikaos na ako
At mas lalong hindi sumagi sa isip ko ang sumuko
Kahit hirap na hirap na ko
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko
Kung kakawala na ba ako sa gapos o mananatili pa rin ako
Kasi alam kong kahit gaano ako katagal maghintay sayo
Walang kasiguraduhan kung babalik ka pa sa piling ko
Kaya kahit gaano kasakit magpapakatatag ako
Na pipilitin kong labanan ang sakit kahit di ko alam kung kaya ko
Kasi habang iniisip ko ang paglayo
Parang unti-unting pinipilas ang puso ko
Siguro balang araw lilipas rin to
Siguro kailangan ko lang patatagin ang sarili ko
Siguro kailangan ko lang hintaying maghilom ang sugat sa puso ko
Pero sa mundong ito walang kasiguraduhan kung kailan ko malalampasan ito
O kung malalampasan ko pa kaya ito
Pero kailangan kong sanayin ang sarili ko
Kailangang lakasan ko ang loob ko
Kasi ngayon iiwan ko na lahat ng pagasa na sa akin ay bumigo
Palalayain ko na ng nakakulong kong puso
Kakalimutan ko na kung anong meron tayo
Kakalimutan ko na lahat ng tungkol sayo
OO lahat lahat kakalimutan ko kasama na lahat ng bagay na may kaugnayan sayo
Naniniwala ako sa sarili ko na makakaya kong harapin ang lahat ng ito
Alam kong mahirap pero kailangan kong gawin
Kailangan kong palayain ang puso ko sa lahat ng hinagpis
Lahat ng pait at sakit
Pinapalaya na kita sa gapos ng pagmamahal ko
Malaya ko na mula sa mga pangakong sabay nating binuo
Malaya ka na mula sa higpit ng hawak at yakap ko
Paalam na mahal wala ng saysay ito
Gaano man kahirap magpaalam mahal gagawin ko
Dahil alam kong walang permanente sa mundo
Dahil kung aalis ka isa lang ang sigurado
Makakabuo ulit ako ng kwento na mas maganda kaysa rito
Kaya mahal paalam na kaya ko na ito
Kahit gaano kahirap kakayanin ko ito
Kasi wala na ang dating tayo
Nagwakas na ang mga alaalang minsan nating binuo