Tapos Na

13 1 0
                                    

Isang buwan na pala ang nagdaan
Mula ng ang isat isa ay nagpaalam
Ang matagal na pinagsamhan ay winakasan
Ang mundong minsang naging masaya ay tila gumuho nalang
Ang mga pangakong pinangako sa isat isa ay isinantabi nalang

Di ko lubos maisip bakit nga ba andito tayo sa puntong ito
Papaano ba tayo napunta dito sa dulo
Mahal bakit umabot tayo sa puntong kailangan ko ng sumuko
Mahal wala na ba talaga tayo?

Akala ko ba hanggang sa huli tayo pa ring dalawa
Akala ko ba walang maiiwan at mangiiwan diba?
Mahal dibat nangako tayo sa isat isa
Mahal hindi na ba ako mahalaga?

Hindi na ba ako mahalaga kaya nagawa mo ang mga bagay na nanakit sa aking damdamin
Akala ko ba walang maglilihim?
Akala ko ba walang lilisan sa atin
Pero binigyan mo na ako ng rason para ikay lisanin

Mahal wag kang magtatanong kung minahal ba talaga kita
Dahil mahal ikaw ang nagbigay ng rason para akoy bumitaw na
Mahal kita pero tama na

Tahan na wala na tayong magagawa
Ubos na lahat ng pagasa
Pagod na rin akong magpasensiya
Tanggapin na nating wala na ang tayong dalawa

Paalam na sa lahat ng sakit
Patawad sa lahat ng hinanakit
Tiisin ang lahat ng pait
Harapin ang bawat hinagpis

Patawarin mo ako at patatawarin rin kita
Alisin ang poot sa puso sinta
Harapin na nasa magkabilang dulo na tayong dalawa ng kalsada
Tinatahak at patuloy na tatahakin ng hindi tayo magkasama

My Kind Of ExpressionWhere stories live. Discover now