Mahal tanda mo pa ba ?
Yung mga alaala na binuo nating dalawa ?
Yung mga pangakong binuo nating magkasama ?
Kasi ako mahal tandang tanda ko pa !
Tandang tanda ko pa ang bawat detalye sa kwento dalawa
Isama mo na rin yung mga pagsubok na linampasan nating masaya
Yung mga pagkakataong ayaw nating bumitaw sa kamay ng isa't isa
Yung para bang tayo lang ang tao sa mundo at wala ng iba po
Ang saya natin noon diba ?
Lahat ng luha at saya ikaw ang kasama
Sabi mo pa nga
Wala sa bokabularyo mo ang sumuko pa
Ngunit bakit nung minsan pang sinubok tayo ng tadhanay naging marupok ka ?
Mahal pagod ka na ba ?
Mahal sa dami rami ng pagsubok na dumating satin susuko ka pa ba ?
Ganun mo ba gustong magtapos ang kwento nating dalawa ?
Sa huling pagkakataon kinausap kita
Sinabihan kitang bitawan mo ang kamay ko kung ayaw mo na talaga
Unti unting lumuluwag ang hawak mo sa aking kamay at umiiling iling ka
Hanggang sa humingi ka na ng pasensiya ng may lumalabas na likido sa yong mga mata
Kirot at sakit ang naghari sa yung pagkawala
Parang isa akong bansang iniwan pagkatapos ng giyera
Luha ang kasama ko sa bawat pagtiklop at pagdilat ng aking mga mata
Pero yun na ang huling pagluha ko na ikaw ang dahilan
Dito ko napagtanto na walang permanente sa buhay na to
Kaya't kasabay ng muling pagikot ng mundo ay ang paglimot ko sayo
Magpapatuloy parin ang awit ng puso ko
Kahit pa hindi na ikaw ang laman nito
Kayat sa mga nasasaktan
Wag niyong hayaang magtapos nalang kayong luhaan
Ang mga taong hindi kayi pinaglaban ay hindi kawalan
Isa lang silang silang pagsubok na dapat mong lampasan