Ang tagal na pala mula noong wala na tayong dalawa
Mula noong tinuldukan na natin ang ating istorya
Tiniklop at isinantabi lahat ng alaala
Malungkot man ito o maging masasaya paAng tagal na pero akoy heto pa rin
Sinisigaw ng pusot isip koy ikaw pa rin
Kahit na saan man ako dalhin
Alaalang kasama kang bumuo ay pinapahalagahan ko pa rinSa bawat umagang dumating ay nangungulila sa mga long sweet messages mo
Yung sobrang cute na boses mong bumubuo ng araw ko
Yung mga paalala mo na patuloy ko pa ring isinasaulo
Mga payo mo na sinusunod ko pa rin kahit hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa koLahat ng mga bagay na binigay moy hawak ko pa
Wala akong itinapon kahit na isa
Pagkat lahat ng mula sayo ay sa akiy mahalaga
Walang papantay ang mga alaalang binuo nating dalawaPuso koy sarado pa rin magmila ng iwan mo
Wala akong gustong papasukin pagkat naniniwalang babalikan mo pa ito
Oo alam kong walang kasiguraduhan ngunit ngayoy naniniwala na ako sa salitang "malay mo"
Pagkat malay mo matagpuan mong muli ang daan patungo sa piling koPasensiya na mahal sa lahat ng pagkakamali ko
Pati na rin sa lahat ng mga pagkukulang ko
Mahal patawarin mo ako sa mga masasakit na salitang nabitiwan ko
Takot lang ako na mawala ka sa buhay koNgunit ngayoy ang kinatatakutan ko ay dumating na
Dahil sa piling koy wala kana
Bawat araw na dumaraan ay bumabagal na
Bawat araw na iyon ay parang parusaGabi gabitinatanong sa mga bituin kung kamusta ka
Inaabangan ang mga falling star para lang i wish na sana bumalik ka na
Lagi ko pa ring tinitignan ang buwan at sinasabihang miss na kita
Dahil alam kong kahit malayo na tayo parehong buwan pa rin ang nag uugnay sa ating dalawaMahal kamusta ka na kaya?
Ako pa rin ba o may iba na ?
Masaya ka na ba o katulad rin kitang lumuluha pa?
Hinahanap mo rin ba ako katulad ng paghanap ko sayo?Sana may time machine para pwede kong ibalik muli ang tayo
Para pwedeng maglakbay ulit sa mga panahong masaya at magkahawak kamay tayo
Nangangarap habang nakatingin sa malayo
Sana may time machine kasi gusto ko ulit makasama kaGanito ba talaga kahirap ngayomg wala kana ?
Gusto kong kalimutan ka pero hindi ko alam kung paano magsisimula
Kaya hahayaan nalang ang pusong masaktan dahil wala ka na
Dahil alam kong matatapos rin ang sakit na itoMakakalimutan rin kita
At hinding hindi na ma mi miss pa