Heto nanamam ang gabi
Gabi na wala ka sa aking tabi
Inaalala ko nanaman kung ano tayo dati
Lahat ng galak, lungkot, away at batiBuwan na pala ang lumipas mula ng ikay lumisan
Pero heto pa rin ako patuloy na nasasaktan
Pilit na inaalala ang nakaraan
Pinapanalangin na sana lahat ng ito ay masamang panaginip langNgunit hindi
Kinurot ko ang aking sarili
Totoo nga ang mga nangyari
Lahat ng mga nakakalungkot na pangyayariMahal miss na miss na kita
Lagi lagi kitang naaalala
Mapa gabi man o umaga
Ikaw lang ang nasa isip ko sintaMiss na miss na miss ko na yung dating tayo
Yung panahong parang sa atin lang umiikot ang mundo
Yung lagi mo akong hatid sundo
Sabay na nangangarap habang nakatingin tayo sa malayoMahal paano nga ba tayo humantong dito
Paano nga ba nagtapos ang tayo
Bakit sa lahat ng mga masasayang alaala nagawa mong lumayo?
Sa lahat ng pagmamahal nagtapos pa rin sa pagsukoHindi pala sapat ang pagmamahal mo sa isang tao
Pero kung ito ay ang nakanakaka para sa akin at iyo
Handa na akong pakawalan ka sa gapos ng nakaraan nating binagyo
Hanggang sa muling pagtatagpo paalam mahal ko