Sabi ng iba ang saya daw nating pagmasdan sa tuwina
Sabi nila bagay daw tayong dalawa
Mga ngiti at tuwa ang ebidensiya
Hindi kasi maitago ang saya pag ikay kasamaHindi nagtagal naging tayo ring dalawa
Pasimula palang tayo pero ang saya saya na
Walang paglagyan ang galak at tuwa
Ganito pla yung pakiramdam pag mahal ka rin ng taong mahal mo ng sobraOras oras namimiss kita at gustong lagi kang makita
Kahit na halos buong araw na tayong magkasama
Ikaw lang ang ïgusto kong katext katawag at kachat sinta
Kahit magdamagan paMga mahahaba at nakakakilig na mga mensahe ng sinesend mo
Na sa tuwing nababasa koy kompleto na ang araw ko
Mga pagkakataong sa isat isa tayoy nangako
Mga pangarap na sabay nating binuoKakaibang kasiyahan na sayo ko lang din naramdaman
Pagiibigan na akala moy wala ng katapusan
Galak at tuway walang pagsidlan
Mga problema na sabay nating sinusulosyunanYung mga problema na nilalagpasan nating magkahawak kamay
Magkahawak kamay at sabay na maglalakbay
Hanggang sa malayo na pala yung nilakbay natin wala man lang tayong kamalay malay
Kaya sana tayo nalang habang buhayWala man akong maipapangako pero hanggat kaya ko mahal di ako susuko
Para sa akin at para sayo
Para sa tayo
Magiging matibay at patuloy na lalaban hanggang sa lahat ng problema at pagsubok ay maiwaksi natin palayoPatuloy tayong lalaban
Para matupad ang ating sumpaan
Na kahit ilang taon at pagsubok man ang dumaan
Ikaw lang mahal ikaw lang tandaan mo yan