Hindi Maaari

18 1 0
                                    

Maraming bagay ang gusto kong gawin
Pero hindi maaari
Maraming bagay ang gusto kong matuklasan
Pero hindi rin maaari

Maraming bagay ang gusto kong maranasan
Pero hindi talaga maaari
Maraming bagay ang gusto kong maramdaman
Pero hindi nanaman maaari

Gusto kong maging masaya
Pero bakit hindi maaari
Gusto kong maging malaya
Kaso hindi pa rin maaari

Mali bang mamuhay ng normal?
Bakit ba lahat nalang bawal?
Bakit lahat nalang ng gusto kong gawin para sainyo nasa limitasyon?
Eh wala naman sa akin ang inyong atensiyon

Bakit lahat ng gusto ko para sainyo mali?
Bakit lahat di maaari
Samantalang marami naman diyang dinaranas ang gusto kong maranasan
Hindi naman ata ito makatarungan

Gusto kong maglakbay papalayo
Gusto kong hanapin ang sarili ko
Gusto kong maramdaman na sa akin lang umiikot ang mundo
Gusto kong puntahan lahat ng lugar na napapasaya ako

Pero hindi maaari
Akoy malayang nakakulong
Sa rehas ng hindi maaari
Nakakulong sa rehas ng diskriminasyon

My Kind Of ExpressionWhere stories live. Discover now