Ginawa ko na lahat
Lahat ng alam kong maganda pero di pa rin sapat
Ginawa ko na lahat
Lahat ng lakas ko binuhos ko na pero lahat pa rin para sainyo palpakPaano nga ba maging sapat
Ay mali ginawa ko na lahat pero kailan ba ang lahat ng ito magiging sapat
Paano ba maging sapat?
Pagod na kasi akong maging palpakKulang pa ba na gawin ko yung makakaya ko?
Kulang pa ba na ibigay ko yung best ko para lang maging masaya kayo?
Kulang pa ba na sunusunod ko kayo kahit na hirap na hirap na ako
Kulang pa ba na araw araw na pli-ni-pkease ko kayoHindi ko alam kung sino ba sa atin ang may problema ?
Kung kayo o ako ba talaga
Hindi ko alam kung kulang na talaga yung efforts ko o di lang takayokayo marunong makuntento
Baka naman hindi mo lang makita yung halaga koMadami akong binalewala para lang masunod lahat ng gusto niyo
Madami akong iniwan para gawin yung pinapagawa niyo kahit na wala akong hilig dito
Madami akong nakalimutan para lang maalala lahat ng mga bagay na alam kong sasaya kayo pag naalala ko
Pero lahat ng iyon wala palang kwenta para sa inyoKailan ba ako magiging sapat?
Ano ba ang dapat kong gawin para maging sapat?
Pagod na pagod na akong i please kayong lahat
Hirap na hirap na akong pilitin ang sarili kong gawin kahit na hindi naman dapatPagod na talaga ako
Sana naman ma appreciate niyo ang halaga ko
Sana maging sapat na ako
Yan lang ang tanging dalangin ko