Gusto kitang suportahan sa tuwing magba-basketball ka
Gusto kong magdamag makausap ka
Na iiwan mo lahat ng ginagawa mo kahit nagdodota ka pa
Gusto kitang makasamang manood ng kahit anong movie basta ikaw ang kasama
Gusto kong iparamdam sayo na may nagmamahal sayo
Gusto kong iparamdam sayong espesyal ka
Gusto kong sabihin sayo na andito lang ako sa tuwing kailangan mo ng makikinig sayo
Gusto kong makasama kang magsimba
Ewan, baka hanggang "gusto kita" nalang ata
Kung lalaki lang ako at babae ka baka niligawan na kita
Kaso hanggang dito nalang ata ako
Dapat makontentong nakatingin sayo mula sa malayo
Ano ba naman ako kumpara sa mga ex at crushes mo
Mas lalong alam ko naman na hindi ako ang gusto o maging tipo mo
Kaya di ko na rin gugustuhing makilala mo pa ako
Kontento na akong iniistalk ka sa facebook kung may bago ba sa mga posts mo