Matagal na panahon magmula ng sa buhay koy lumisan ka
Yung panahong nawala ka nalang bigla
Na tila para bang bula
Wala man lang iniwang rason na kahit isanv salitaAlam mo ilang beses kong tinanong ang sarili ko
Kung ano ba ang pagkukulang ko
Kung ano bang mali ang nagawa ko
Pero mahal wala akong maalala na naging kasalanan koGayunpaman sinisisi ko pa rin ang aking sarili
Pilit hinahanap sa 'king sarili ang mali
Isip ko ay gulong gulo at tila hindi mapakali
Na tila pa magmula ng umalis ka wala na sa sariliMatagal na panahon na ang nagdaan pero di pa rin malimot ang nakaraan
Ilang araw, linggo, at buwan na ang nagdaan
Pero ang sugat sa aking puso ay akin pa ring pasan
Patuloy paring hinagpis ang aking nararamdamanMahal ano ba kasing rason ng iyong paglisan?
Mahal saan ba ako nagkulang?
Pagod ka na ba kaya bigla ka nalang nang iwan?
Mahal sagutin mo ako, akoy naguguluhan!Ganyan ka ba talaga?
Kung kailan maayos ma ang lahat mang iiwan ka nalang bigla
Aalis nalang bigla
Iiwan ang lahat ng mga alaalaLahat ng alaala ng ikaw at ako
Masasayang alaala magmula ng tayoy pinagtagpo
Na ngayo'y nagdudulot na ng lungkot sa buhay ko
At nangungurot sa munti kong pusoPero mahal kahit masakit bumangon ako
Nagpakatatag ako
Hindi para sayo pero para sa sarili ko
Hindi rin kasi pwedeng masaya ka habang nalulungkot ako
Mahal hindi pwedeng habang buhay tanga ako!Dahil akin ng napagtanto na wala akong nagawang mali
Mali rin na sisihin ko ang aking sarili
Dahil kahit pag bali-baliktarin man natin ang mundo ikaw ang may mali
Ngayon lahat ng pumapasok sa akin ay pagsisisiPero ang galing mo ring tu-mi-ming no?
Magpaparamdam ka kung kailan okay at masaya na ako?
Nakakatawa naman pero pasensiya na di na ako yung dating nakilala mo
Di na rin ako yung tangang minsang nakilala moAalis ka tapos babalik?
Ano ka chicks?
Mahal hindi ako baggage na iiwan mo kung pagod ka ng hawakan ito
Tsaka mo babalikan pag napagtanto mong kahit anong mangyari mahalaga pa rin itoAlam mo mahal kung talagang mahalaga ako una palang di mo na ako iwan
Kung mahal mo ako una palang di mo na ako sinaktan
Pero mahal iba ka!
Sa una ka lang pala magalingTapos heto ka ngayon?
Muling nagpaparamdam
Mahal wala ka ng babalikan
Dahil ayoko na ulit maiwanAyoko na ulit sisihin ang sarili ko sa mga walang kwentang dahilan
Ayoko na ulit maiwan ng walang sapat na dahilan
Mahal wala ka ng babalikan
Wala na yung dating ako na nagpapakatanga sayo dahil mahal natauhan na ako