Papel at Panulat

12 1 0
                                    

Marami kang kasama, Oo
Marami kang kaibigan, Oo
Maraming pwedeng makinig sayo, Oo
Pero hindi lahat ng taong kasama mo ay nakakaintindi sayo

Sa isang araw libo ang nakakasalamuha mong tao
Nakikiusap ka sa mga taong nasa paligid mo
Kasama ang mga taong bumubuo ng araw mo
Pero ang taong alam ba nila ang pinagdaraanan mong totoo

Oo masasabi mong kasama mo sila sa pakikibaka
Nakikita nila ang mga ginagawa mo sa tuwing silay kasama
Panlabas na kaanyuan mo ay kilala nila
Pero alam ba nila ang pinagdaraanan mo sa tuwing ikay nag iisa?

May mga trip silang nakakatawa at di maipagkakaila na ikay natatawa
Pero masaya ka nga ba
Gunagawa mo ang lahat na parang wala ng bukas
Pero ang tanong iyon ba talaga ang gusto mong gawin

Kasama mo sila pero diba minsan parang wala silang presensiya
Mayroong mga pagkakataong nagsasalita ka pero parang wala silang tainga
Sa liwanag kasama mo sila pero tila wala kang maaninag na anino nila
Hindi naman sa nagdududa ka sa kanila pero minsan mas pipiliin mo nalang mag isa

Sa aking pagiisa nakahanap ako ng kasama
Hindi man sila nakakasalita pero alam kong karamay ko sila
Hindi man sila makausap alam ko namang safe ang sekreto pag sinabi ko sakanila

Dahil minsan hindi mo na malaman kung kanino ka magtitiwala
Sa dinarami rami ba naman sa mundong ito ang mapanghusga
Na minsan ay daig pa ang ingay ng manok makapanira kang ng tao
Sa mundong ginagalawan mo di mo alam kung sino ang totoo

Ang papel at panulat kung kailan mo kailangan laging nariyan
Ang papel at panulat kahit kailan hindi ka inindian
Ang papel at panulat kahit kailan di ka huhusgahan
Ang papel at panulat lagi kang dadamayan

Magsusulat ka lang at gagaan ang iyong pakiramdam
Minsan mararamdaman mong ito ang totoong kaibigan
Ito ang sa iyong pagiyak ay nagpapatahan
Ito ang tunay na masasandalan anong oras mo mang kailangan

Kaya huwag kang magalala kaibigan kung akala mo wala ng nakakaintindi sayo
Minsan hindi naman kasi tao ang kailangan mo
Huwag mong ipokus ang sarili mo sa mga taong di naman alam ang nararamdaman mo
Minsan kailangan mong bumuo ng istorya na ikaw naman ang bida dito

My Kind Of ExpressionWhere stories live. Discover now