Kamusta kana ?
Bakit pagdating ng isang araw di ka na nagparamdam pa ?
Di mo na ba ako kilala kaya di mo na ako makilala ?
Wala naman akong nabalitaaang nagka amnesia ka a ?
Tatlong taon na ang nakakalipas nang magkakilala tayo
Ang epic nga ng senaryo
Yung kasing mga barkada mo at barkada ko
Pero nagpapasalamat ako kasi dahil doon nagkakilala tayo
Kahit hinusgahan ka man ng ibang tao
Hindi ako nagpaniwala sakanila mas naniniwala ako sayo
Gaya ng naging desisyon ko lumapit parin ako
Doon ko rin napagtanto na mali ang inaakala ng iba sayo
Napaka bait at napaka caring mo pala
Napakamaintindihin mo rin kahit isang beses pa lamang tayong nagkakilala
Pinagkatiwalaan mo rin ako kahit ilang beses mo pa lang akong nakasama
Ang gaan ng loob ko sa tuwing kausap kita
Sa bawat oras na dumating nandyan ka parin
Yung kakulitan ko di mo pinagsawaan
Yung sinasabi nilang late night conversation sayo ko lang din naranasan
Kasi ikaw kang yung kausap ko hanggang sa magdamagan
Hanggang sa iang araw napagtanto kong akoy nahhuhulog na pala
Akoy hulog na hulog na pala
Napakabait mo kasi sobra
Hanggang sa napansin mo na
Hiningi mong akoy maghintay kasi hindi ka pa handa
Hiniling mo ring sana walang magbabago sa ating dalawa
Inintindi kita at hindi ako nawala
Wala rin namang nagbago sa pagkakaibbigan nating dalawa
Hinintay ko na lang na yung nararamdaman ko ay mawala
Napagtanto ko rin na ang pagkakaibigan natin ang mahalaga
Hanggang sa nagtagal umamin ka
Ngunit mas pinili ko nalang na kaibiganin ka
Alam ko kasing sa paraang iyon magtatagal tayong dalawa
At hindi nga ako nagkamali pa
Pagkakaibigan natiy tumagal ng mahigit dalawang taon pa
Dalawang taon na nagtapos nalang bigla
Nang dahil lang sa sarili mong problema lahat nasira
Sinunukan kong tulungan ka kaso umiiwas ka
Hindi ko rin malaman an rason kung bakit nagkakaganyan ka
Andito naman ako para tulungan ka kaso ayaw mong tulungan kita
Iniintidi pa rin kita kasi maaayos din ang lahat gaya ng aking paniniwala
Hinihintay ko yung oras na maging okay ang lahat kaso wala
Tinatawagan at hinanap kita kaso hindi na kita mahagilap pa
Pati numero mo sa teleponoy iba na
Ang sakit lang na tatlong taong pagkakaibigay nagtapos na pala
Nagkasalubong tayot nginitian pa kita
Pero bakit yumuko ka lang na tila bay hindi mo ako kilala
Hindi na ba ako sayo mahalaga ?
Para akong binagsakan ng langit ant lupa
Pero kahit ganun salamat ha ?
Salamat at naging kaibigan kita
Hayaan mo ipapaintindi ko nalang sa sarili ko na yung kwento ng pagkakaibigan natin ay parang libro kaya nagtapos na