Ricci Rivero's Point Of View
It's been a week since claudia and i broke up. And still, hindi parin nagsi-sink in sa akin ang nangyari.
Naging magulo ang buhay ko simula nung maghiwalay kami ni claudia.
Every second, Every minute, Every hour, and Everyday ko tintanong sa sarili ko
" kulang pa ba?", "may naging mali ba ako?"Ang sakit. Sobrang sakit. I love her so much. Minahal ko siya higit pa sa buhay ko. Binigay ko ang lahat na makakapagpapasaya sa kanya. I even sacrificed my happiness para lang sa kasiyahan niya. Kulang pa ba?
Or am i not enough?
" aray! " sigaw ko nang naramdaman ko ang napakalakas ng impact ng pagkaka-pass ng bola na dumeretso sa chest ko.
" sorry paps! Hindi ko sinasadya " sigaw ni brent mula sa kabilang dulo ng court.
Sinenyasan ko lang ito na okay lang.
" ano ba yan ricci? Magfocus ka naman! Ilang araw nang pangit ang performance mo! " sigaw sa akin ni coach aldin
Oo, we are on our training right now malapit na rin kasi ang FilOil and our goal is mag-champion this year's conference.
Pinasa sa akin ni aljun ang bola. Nag-attempt akong magshoot ng tres ngunit napasobra ang lakas na iginawad ko.
" ano ba yan ricci? Kanina ka pa nagshoshoot wala namang pumapasok?! Kung kelan malapit na ang opening ngayon ka pa nagloloko " naiinis na sambit ni coach Aldin
Naramdaman ko naman na tinapik ni Brent ang kanang balikat ko.
" kalimutan mo muna ang problema mo, focus on training muna " bulong ni brent
Pagkatapos ng training, nagshower muna ako at dumeretso sa huling subject ko para sa araw na ito.
I tried na maging focus sa klase na pinasukan ko. Pero i failed. Sometimes I'm spacing out.
For me, naging mahaba ang araw na to para sa akin.
Nabigla naman ako ng nag-vibrate ang phone ko
New Text Message
From: Ahia
Cci, we will having family dinner tonight at 7 pm. Mom and dad specially riley expected you to come. Wag mo silang biguin.
Damn, pati relasyon ko sa pamilya ko napapabayaan ko na.
Napaka walang kwenta kong anak at kuya.
Bullshit.
Kaya after ng last subject ko for this day kaagad naman ako nagpa-book sa uber. Naka-coding kasi yung sasakyan ko ngayob kaya i need to commute para makarating sa aming bahay
Sa kamalasan naman, inabutan pa kami ng traffic sa daan. it's already six in the evening. And usually sa mga ganitong oras rush hour na talaga.
I texted ahia that I'm on my way na.
Nang makarating ako sa bahay ay kaagad naman akong sinalubong ng yakap ni Riley. Kinarga ko ito at hinalikan sa pisnge.
" sahia! I miss you! " masayang tugon nito at niyakap nanaman ako.
" i missed you too, baby " sambit ko at hinalikan ko ito sa noo.
Naglakad ako papuntang kusina para puntahan si mom na nagluluto for our dinner.
" oh ricci! You're here " binitiwan naman ni mom ang sandok na hawak hawak niya at niyakap ako. Hinalikan ko naman si mom sa pisnge.
" i miss you mom "
" namiss rin kita, anak " nakangiting sambit ni mom sa akin.
Damn, i miss my family so much.
" mom, where's dad? " tanong ko kay mom na ngayon ay nagluluto ulit
" he's on his way, dumaan lang daw siya sa athlete's den "
Napatango nalang ako sa sagot ni mom.
" sa sala ka muna, nak. Catch up with your younger brothers muna " nakangiting sambit ni mom
Sinunod ko naman ang gusto ni mom. I went to living room at bumungad sa akin ang mga kapatid ko na naglalaro.
" sahia bakit ang tagal mong hindi nakakabisita? " tanong sa akin ng kapatid ko na si allen.
" sorry, I'm just so busy these past few days " nakangiting tugon ko sa aking kapatid.
" kuya? " maikling sambit ni angelo sa akin.
" o ano? "
" nagkikita ba kayo ni ate athena? " tugon nito.
Ilang araw na rin ang lumipas nung huli naming pag-uusap. At hanggang ngayon wala naman akong nababalitaan sa kanya.
" hindi eh. Bakit? "
" i miss her na kasi, sahia " sambit niya at yumuko.
Hindi na ako nagsalita at nakipaglaro nalang ako kay riley.
Sabay dumating si kuya at si dad. Dumaan pa kasi sila sa athlete's den to check kung okay lang ba doon.
Habang kumakain, hindi na namin naantay si Rasheed dahil gutom na gutom na raw kasi si riley at allen.
" how's school mga anak? " tanong ni mom
" I'm doing good naman mom " wika ni kuya at sumubo ng pagkain.
" how 'bout you, cci? " seryosong tugon ni dad
" okay lang naman din po " maikling sagot.
Maya maya ay dumating na rin si sheed na medyo namumugto ang mga mata nito.
Umiyak ba to?
" oh dihia, nakarating ka na. Umupo ka na at kumain ka na " wika ni dad.
Umupo naman ito sa tapat ko. Laking pagtataka ko kung bakit ang sama ng mga tingin nito sa akin.
May nagawa ba akong masama? Sa pagkakakaalala ko naman ay wala.
" saan ka galing, dihia? " tugon ni ashton na may laman pa ang bibig.
" i just visit athena because she's sick " sagot naman nito .
Nagsimula naman itong kumain.
Ramdam ko talaga na may problema eh.
" ate athena is sick?! Is she okay? How is she dihia? " dere-deretsong tanong ng aking bunsong kapatid.
" she's okay, sobra lang sa stress. Kaya nagkasakit "
" alam ba ng parents niya? " nag-aalalang tanong ni mom
" nope. Wala sina Tito and tita nung binisita ko si athena. Even her siblings "
" buti nalang naisipan mong pumunta, anak " tugon ni dad
Hindi na nagsalita si rasheed at nagpatuloy nalang ito sa pagkain.
" i feel so sad for athena. Mag-isa siyang naninirahan sa amerika. Pati ba naman dito, nag-iisa parin siya? " malungkot na wika ni mom.
So, all these time nag-iisa lang siya?
" kung pwede ko lang siyang samahan palagi ginawa ko na. I'm always ready to be her everything but she's in love with someone else. "
Tumayo si Rasheed at diretsong naglakad patungo sa kanyang kwarto.
Nabalot ng katahimikan ang buong hapag kainan.
" meron bang hindi nasasabi ang kapatid niyo sa inyo? " nagtatakang tugon ni mom.
" wala naman po mom " sagot ni ahia.
Umiling nalang ako bilang sagot. At ipinagpatuloy ko ang pagkain.
May gusto ba si sheed kay athena?
BINABASA MO ANG
Trapped (A Ricci Rivero Fan fiction)
FanfictionIt's been years since nung huli kong apak dito sa pilipinas. And all i can say it's so good to be back again. I'm back, dahil gusto kong makabawi sa mga mahal ko sa buhay. Lalo na gusto kong makabawi sa kanya. Ang tanong, May babalikan pa ba ako? O...